^

PSN Opinyon

Capitol City Lodge No. 174

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KATAPUSAN ng February ang ika-45th public installation ng Capitol City Lodge No. 174 dyan gagawin sa Bureau of Soil Visayas Ave., corner Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

3pm ang opening of the lodge kaya lahat ng mga Mason, family and friends sa Philippines my Philippines ay imbitado ng kanilang bagong talangka este mali talaga palang Worshipful Master ng Free and Accepted Masons of the Philippines.

Ang problema nga lang mga Kuyang hindi nilagay sa email ng bagong talangka este talaga pala WB ang lugar ng fellowship.

Sabi nga, secret pa. Hehehe!

Ito ang talaan ng mga bagong hangal este halal pala na mga official at appointed officers ng Quezon City Lodge No. 174, Worshipful Master Manuel ‘Noli’ Romero Jr., Se­nior Warden Reno N. Concha, Jr. Warden Luth Myr P. Teo­xon, Treasurer Ariel D. Fronda, Secretary Jesus M. Tolosa, Auditor WB Victor C. Montanez, Chaplain Charles Elcano, Marshall Edgardo C. Goli, SD Jerome A,. dela Cruz, JD Eranio G. Cedillo, Orator WB Francisco A. Ferino, Almoner Percival R., Pineda, Lecturer WM Emor B. delos Trinos, Historian WB Oreste M. Navarro, SS Edgardo de Guzman, JS Alberto M. Elcano, Custodian of Works VW Safiro A. Vinarao, Harmony Officer VW Don Ramon R. Ignacio at Tyler Larry Wy.

Inuulit ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga Kuyang secret pa ang lugar ng kanilang fellowship pero may nagsasabing baka sa nasabing lugar na ito gawin.

Lechon cow at maraming pang iba ang makakain.

Ika nga, umaatikabong tsibugan!

Abangan.

Si PNP Police Inspector Angelo Tamayo

INAKUSAHAN at itinurong culprit si Tamayo dahil siya daw ang pumalo at nambugbog kay Angeline Mangali y Pablo, 20 years old student ng Datamex Computer School dyan sa Valenzuela.

Grabe ang tinamong sugat ni Mangali dahil pinalo daw ito ng bakal sa ulo, hita at sa iba pang parts of the body kaya naman subject for investigation si Tamayo hindi lang sa sarili niyang police station kundi maging sa NAPOLCOM.

Sabi nga, inireklamo!

Nakasakay daw sa motorbike si Tamayo last January 31, 2009, mga katanghalian tapat ng magkaroon ng paluan blues pero sabi nina Mangali at mga kasangga niyang classmate bago mangyari ang paluan blues ay nakita daw nila si Tamayo na nakatingin sa kanila at pagkatapos ay nilapitan sila nito at pinagpapalo habang nakasuot ng crash helmet ang tinuturong culprit.

Naku ha!

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kasi kung nakita at namukhaan ang kamoteng suspect ng aatakihin nito mangyayari pa kaya ang bugbugan blues? Tandaan natin hindi basta police si Tamayo, kapitan ito at kung gagawa ng kagaguhan tiyak iuutos na lamang niya.

Ano sa palagay ninyo?

May testigong lumatang isang security guard ng school si Soliman Avila Candino na nakita ng buong pangyayari pero sabi niya sa kanyang affidavit hindi niya kilala ang taong pumalo kay Mangali porke nakasuot ito ng crash helmet echetera.

Ayon sa mga nakasaksi may baril pa daw ang pumalo na nakasukbit sa wangkata nito.

Kanya -kanyang story ang nasa affidavit may nagtuturo kay Tamayo samantala may nagsasabing hindi nila ma-identify ang pumalo kay Mangali dahil nga naka-cover ang face nito.

Sabi nga, ano ba ang totoo?

Hindi kinakampihan ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang Mamang Pulis pero sana pairalian ang ‘due process’ kay Tamayo at huwag naman hugasan este mali husgahan agad kasi baka mahuli ang lahat kawawa naman ang pobreng Mamang Pulis.

Kailangan magsagawa ng malaliman imbestigasyon regarding this matter para mahuli ang gagong bumugbog kay Mangali.

May mga testigo si Tamayo na noon maganap ang bugbugan blues ay nasa proficeincy firing activity siya noon mga time na iyon.

Siempre mga kabaro rin niya ang magpapatunay pero kung ang mga naargabyado ang tatanungin dehins sila maniniwala sa mga lespung magtatanggol kay Tamayo dahil sa isip nila kakampihan ito para matakasan ang kasalanan ni Mamang Pulis Tamayo.

Paano kung talagang walang kasalanan si Tamayo?

Ang NAPOLCOM, pamunuan ng Kapulisan dyan sa Crame at siempre si DILG Secretary Ronnie Puno ang siyang maghuhugas este mali huhusga pala kung si Tamayo ay may kasalanan o wala at kung sa palagay upon review na may kasalanan talaga si Tamayo tiyak sibak ito sa pagka-police.

‘Paano kung wala naman kasalanan talaga si Tamayo?’ tanong ng kuwagong urot.

‘Tiyak absuelto iyan’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Ano ang magandang paraan para malinawan na hindi siya ang may sala?’ tanong ng kuwagong mang-uusig.

‘EVIDENCE’.

‘Ano sa palagay mo?’ tanong ng kuwagong supulturero.

‘Dyan hindi kami mapalagay’.

Abangan.

ABANGAN

ANO

LSQUO

MAMANG PULIS

MANGALI

SABI

TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with