^

PSN Opinyon

Da greyt tuta pa rin ba tayo?

- Al G. Pedroche -

PAPABAGSAK na nga ang kalagayan ng United States sa kinakaharap nitong financial crisis, mukhang “dakilang tuta” pa rin tayo ng bansang ito.

Matapos ipahayag ng Korte Suprema na ang convicted rapist na si Lance Corporal Daniel Smith ay dapat ikulong sa piitang nasa hurisdiksyon ng Pilipinas, sinasabi ng mga legal expert kuno ng pamahalaan na walang magagawa ang pamahalaan kung ayaw sundin ng Ame­rika ang ruling ng Korte. Grabe to the max! KAKAHIYA TAYO!! Sarili nating batas hindi natin maipatupad kahit pa ang biktima ng Amerikang salarin ay isang Pilipino na hangga ngayo’y naghihinagpis.

Halos tatlong taon na ang nakalilipas, si Smith ay hina­tulan ng Korte na “guilty” sa salang pangre-rape ng isang Pilipina na hangga ngayon ay itinatago pa sa pangalang Nicole. Imbes na isilbi ang hatol sa kanya, idinitine ng Amerika si Smith sa US Embassy habang hinihintay ang resulta ng apela para kay Smith. Marami ang nagpopro­testa rito. Mga militanteng grupo gaya ng Gabriela. Pero hangga’t hindi naninindigan ang Pilipinas sa karapatan nitong ipatupad ang sariling batas sa sarili nating lupain, talagang walang mangyayari.

Sabi ni DILG Usec. Marius Corpus, isa raw sovereign state ang Amerika kaya walang “k” ang Pilipinas na igiit ang gusto natin. Bakit, tayo ba’y hindi sovereign state? Eh bakit maraming Pilipino ang nakakulong din sa mga piitan sa Amerika at hindi natin pinakikialaman?

Talagang walang magagawa kung walang gagawin ang mga namumuno ng ating bansa. Nakakahiya tayo. Hangga ngayo’y susu-kut-sukot tayo sa pa­ngungun­yapit sa pun­dilyo ng Ame­rika.

Hindi ako anti-Ame­rican. Sa Amerika na na­­ni­nirahan ang dala­wa kong anak na ang isa’y isa nang US citizen. Pero ako’y nana­na­tiling Pili­pino na tulad ng iba nating kaba­bayan ay nalulung­ kot kapag tayo’y pinaiikot at inaabuso ng ibang bansa.

vuukle comment

AMERIKA

DANIEL SMITH

KORTE

KORTE SUPREMA

LANCE CORPORAL

MARIUS CORPUS

PERO

PILIPINAS

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with