^

PSN Opinyon

Dedication is a qualification

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

BILANG opisyal ng isang public institution, saksi tayo sa hirap na dinaranas ng mga aplikanteng nais mama­sukan sa pamahalaan. Hindi lahat ng posisyon sa gobyerno ay nakareserba para sa mga opisyal. Malaking bahagi ng workforce ay mga kawani, clerical at manual workers na kadalasa’y kulang sa kwalipikasyong (education, training at experience) kinakailangan ng posisyon.

Malaki ang interes ng pamahalaan na palakasin ang serbisyo sibil. Sinisiguro nito ang propesyonalismo sa paglilingkod. Noong unang panahon, pulitika ang nama­mayani — kung sino ang Pangulo, kanya ang “spoils of victory” o ang karapatang mamahagi ng posisyon sa kanyang kapartido. Hindi naging mabisa ang pama­malakad ng administrasyon dahil walang security of tenure na papanatag sa kalooban ng lingkod bayan, walang kasiguruhan na kuwalipikado ang gagawa ng trabaho at wala ring oportunidad na ma-promote kung walang koneksyon. Sabi nga sa England kung saan nag-umpisa ang lahat — mga tamad at walang ambisyon lamang ang interesado sa trabaho sa gobyerno kung saan ok sila basta walang grabeng aberya at kapag hindi lang sila mag-absent ng napakadalas. Isang malakas na sistema ng Civil Service ang kinailangan –- at kinilala ang kahalagahan nito sa lahat ng pamahalaan sa daigdig.

Kuwalipikasyon o Merit ang naging batayan ng sistema. Subalit sa dami ng trabahong kailangang gampanan, nangailangan pa ring kumuha ng mga marunong subalit kulang ang kwalipikasyon para lang hindi maantala ang pamamalakad. Ito’y ang mga temporary, casual, contractual at co-termi­nous employees. Pero hindi rin naging mabisa ang sistemang ito dahil hindi tumatagal sa trabaho ang ganitong uri ng em­pleyado.

Kaya napakagandang ideya ang panukalang mabigyan ng civil service eligibility ang mga ganitong empleyadong nakapag­han­dog na ng at least 5 years na patuloy na mabi­sang paglingkod. Kapag nagtagal ka na rin sa puwesto kahit walang seguridad, nangangahulu­gan lamang na kaya mo ang trabaho at, higit dito, na ika’y may malasakit sa puwesto. Ano pa bang su­katan ng propesyonalismo ang hahanapin? Ang REPORT CARD ay nakikiisa at tumataguyod sa mga hakbang nina Reps. Rozzano Rufino Biazon, Fredenil Castro, Marce­lino Teodoro, Raul Gon­zalez, Jr. at Ronald Sing­son na maisakatuparan ang regularisasyon ng ating mga magiting na kawani.

Gentlemen, ang GRADE ninyo sa REPORT CARD ay PA­ SADO! At kung sakaling wala rin kayong mga Civil service eligibility, ok lang sa bayan na isama nyo na rin ang sarili sa inyong mga House Bill. Salamat Po.

ANO

CIVIL SERVICE

FREDENIL CASTRO

HOUSE BILL

RAUL GON

RONALD SING

ROZZANO RUFINO BIAZON

SALAMAT PO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with