^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dapat lang sa Bilibid si Smith

-

ANG batas ay para sa lahat. Walang kinikilingan, mayaman, mahirap, itim, puti, kayumanggi o ano pa mang kulay ng balat. Kung nakagawa ng mabigat na kasalanan sa bansang kinaroroonan, dapat siyang mabilanggo sa lehitimong bilangguan kasama ng iba pang convicted criminals. Kahit pa isang puti, nararapat lamang na malasap niya ang kaparusahan sa totoong bilangguan at hindi sa loob ng bakuran ng kanyang bansa.

Ganyan ang dapat gawin kay Lance Cpl. Daniel Smith na nanggahasa ng isang Pinay noong November 1, 2005 sa Subic Bay Freeport. Nahatulan si Smith ng reclusion perpetua o 40 taong pagkabilanggo noong Dec. 4, 2006. Ang humatol ay si Judge Benjamin Pozon ng Makati Regional Trial Court. Ang tatlong kasamahang Marines ni Smith ay napawalang sala, Makaraang hatulan, sa Makati City jail siya pansamantalang kinulong pero maka­lipas lamang ang isang araw ay nag-file na ng appeal ang mga abogado ni Smith na manatili ito sa custody ng military sa US Embassy. Noong hating­gabi ng Dec. 29, 2006, inilipat si Smith sa US Embass­y. Maraming grupo ang nagalit sa palihim na paglilipat kay Smith sa US Embassy. Mula noon, ang US Embassy na ang naging tahanan ni Smith. Isang malaking katanungan kung bakit ang isang katulad ni Smith na nanggahasa ng Pinay ay nananatiling nasa custody ng kanyang mga kalahi. Isang ma­laking pagyurak sa mga Pilipino ang nang­yari na para bang porke at puti ang nahatulan ay ma­aaring sa isang maganda at komportableng kulu­ngan (kung kulungan nang matatawag) inilagak ang rapist.

Mabigat ang kasalanan ni Smith. kung saan, pagkaraang gahasain niya si “Nicole” sa loob ng sasakyan ay basta na lamang ibinaba sa loob ng Subic Bay. Ayon sa mga unang rumesponde sa kaawa-awang si “Nicole” nakadikit pa ang condom sa ari ng babae. Halos hindi makapagsalita si Nicole nang matagpuan.

Kamakalawa, nagdesisyon ang Supreme Court na dapat ay sa Bilibid Prison sa Muntinlupa ikulong si Smith. Doon niya pagdudusahan ang kanyang nagawang kasalanan sa kawawang Pinay na kan­yang binaboy dito pa sa sariling bansa. Dapat niyang maranasan ang bigat ng parusa sa Bilibid.

BILIBID PRISON

DANIEL SMITH

ISANG

JUDGE BENJAMIN POZON

LANCE CPL

MAKATI CITY

MAKATI REGIONAL TRIAL COURT

PINAY

SHY

SMITH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with