^

PSN Opinyon

Media na naman ba ang sisisihin?

- Al G. Pedroche -

NAKAAMBA raw putulin ng mga dayuhang bansa ang ibinibigay nilang foreign aid sa atin. Ang dahilan: Talamak na korapsyon! Iyan ang bumulagang balita sa mga pahayagan ngayon.

Sino na naman kaya ang sisisihin ng gobyerno? Tiyak ang media. Ang mga radyo, telebisyon at pahayagan na sa nakalipas na mga araw ay inilalathala ang isyu sa mga minamanipulang bidding sa mga proyektong tinutustusan ng World Bank. Mga katiwalian na ang mga nadadawit ay mga key persons sa administrasyong ito, kasama na ang Presidente at kanyang asawa.

Inuunahan ko na ang pamahalaan dahil tiyak kong isasangkalan ang mga masasamang balita na ipinapahayag ng media.

Ang media ay hindi imbentor ng mga nangyayari. Ang balita sa radyo at telebisyon ay hindi soap opera at ang mga nalalathala sa peryodiko ay hindi komiks na gawa-gawa o kathang isip. Ito ay “salamin” lamang sa mga nangyayari sa lipunan at pamahalaan. Kung walang nasusunog, walang sisingaw na usok. Kung walang nabubulok, walang bahong aalingasaw, hindi ba?

Ang media ay may pananagutan una, sa Diyos at pangalawa sa taumbayan. Nararapat itong magsilbing “tenga, mata at tinig” ng mamamayan. Pero kadalasan, kapag kabulukan sa pamahalaan ang naisisiwalat, media ang unang-unang sinisisi ng mga opisyal ng gobyerno na tinatamaan ng haplit at pilantik ng panitik.

Pabor ako sa sina­sa­bing dapat bigyan ng exposure sa media ang mga positibong nangya­yari. Ginagawa naman talaga iyan ng isang ma­tinong ma­mama­hayag. Ako mismo ay ginagawa ko iyan kung may ma­gandang nagawa o pla­nong gawin ang gob­yerno. We give praise and credit when they are due. Pero kadalasan, ang mga posi­tibo ay natata­bu­nan ng mga negati­bong nangya­yari na hindi ma­aaring pagtakpan.

Ang lisya at masama kapag pinagtakpan mo ay isang mortal na kasala­nan sa larangan ng pa­ma­ma­ hayag. Ang mama­maha­yag na gu­magawa ng gan­yan ay kakutsaba ng mga guma­gawa ng katiwalian.

Kaya napapahanon ang lagi nating tinata­lakay na paksa ukol sa “righteous governance” na ka­ilangan natin nga­yon. Kung hindi magba­bago, lalo pang lulubog sa lusak ang bayang ito. Kawawa naman tayo. Kung wala nang mga bansang tu­tulong at magpapautang sa atin, baka tuluyan nang ma­bura sa mapa ang mahal nating bansa.

DIYOS

GINAGAWA

INUUNAHAN

IYAN

PERO

SHY

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with