Pagkakaiba ng Pinoy at Kano sa pagbabayad ng income tax
MALAKI ang pagkakaiba ng Pinoy at Kano sa pagbabayad ng kanilang income tax. Dito sa Amerika, naghahanda nang mag-file ng kanilang income tax ang mga tao. Iniipon na nila ang lahat ng mga papeles na dapat isama sa mga kinakailangan sa Internal Revenue Service.
Ngayong Enero ay puwede na silang mag-submit ng kanilang income tax hanggang katapusan ng Abril. Maraming Pinoy ang hindi nakaaalam na ang karamihan sa mga nagpa-file ng income tax dito sa US ay may natatanggap na refund ilang linggo matapos makapag- submit ng kanilang income tax.
Depende ang halaga ng refund sa income tax na sinabmit. Karamihan ay malaki ang natatanggap at gnagamit nilang pang-shopping ng mga mahahalagang kagamitan sa bahay o pang-bakasyon sa Pilipinas o ibang lugar. Ika nga, ang refund ay parang savings na kinakaltas sa kanilang kinikita tuwing suweldo. Ang tawag ng iba rito ay forced savings na tinatanggap nila taun-taon.
Hindi ganitong sistema ang ginagawa sa Pilipinas. Kasi, takot ang mga mamamayan na magbayad ng taxes sa gobyerno sapagkat alam nilang hindi naman sa gobyerno napupunta ang mga ito kundi sa bulsa ng mga opisyal. Ang iba ay napipilitan lamang na magbayad ng taxes subalit hindi pa rin tama ang ibinabayad dahil alam nila na hindi sa ikauunlad ng bayan at mamamayan gagamitin ang binayad na tax.
Ayaw ko mang iham bing ang Pilipinas sa Amerika subalit talagang napakalaki ang pagkakaiba ng dalawang bansa. Matagal nang namamayagpag ang graft and corruption sa Pilipinas. Sa halip na mabawasan, lumalala pa ang kala gayan. Tingin ko, hindi na yata makararanas ang mamamayan ng magagandang pangyayari sa kani lang buhay tulad ng income tax refund. Kung nagbabayad sila ng tamang taxes, ma rami rin silang benepisyo. Gaganda ang kanilang kabuhayan, mga kalsada at kapaligiran.
- Latest
- Trending