KAILANGANG humarap at magpaliwanag sa senado si Hanjin Heavy Industries Corp. – Philippines (HHIC) president Jeong Sup Shim kaugnay ng kalagayan ng mga manggagawa doon, at kung hindi ay ipaaaresto siya ng mga senador.
Ito ang idineklara ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada sa maiden broadcast ng kanyang “Boses ng Masa” nationwide radio program na mapakikinggan sa DZRH tuwing Biyernes, 5:30-6:00 p.m.
Si Jinggoy ang chairman ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment at ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development na nagsasagawa ng public hearing tungkol sa pagkamatay nang maraming manggagawa sa Hanjin.
Aniya, hindi puwedeng balewalain ng Hanjin presi- dent ang public hearing ng kanyang komite dahil kapaka-nan ng humigi’t kumulang 20,000 manggagawa roon ang nakasalalay.
“Pag hindi siya pumunta sa aming hearing on Wednesday, ipaaaresto namin siya. Nakita ko yung president nila sa Subic, I told him see you on Wednesday, and he replied, ‘Yes sir,’” pagbabahagi ni Jinggoy sa naging usapan nila ng Hanjin president nung nagsagawa siya ng ocular inspection sa Hanjin facilities.
Nakita at napag-alaman ni Jinggoy sa naturang inspeksiyon sa Hanjin ang mga sumusunod:
• Dalawa lang ang doktor na ang duty ay 8 a.m. hanggang 5 p.m. lang gayung 24-oras ang pagtatrabaho roon ng mga manggagawa;
• Maraming manggagawa roon ang walang maayos na helmet at safety shoes;
• Walang insurance ang ibang empleyado;
• Walang takip ang karamihan sa mga kanal;
• Underpaid ang mga manggagawa; at,
• Pinagtatrabaho sila kahit araw ng Linggo pero walang katapat na kompensasyon.
* * *
Ugaliing tangkilikin ang “Boses ng Masa” tuwing Biyernes, 5:30-6:00 p.m., na mapakikinggan sa DZRH nationwide: Greater Manila Area (666), Lucena (1224), Naga (981), Sorsogon (1287), Dagupan (1440), Baguio (612), Isabela (648), Tuguegarao (576), Laoag (990), Palawan (693), Bacolod (1080), Cotabato (567), Cebu (1395), Tacloban (990), Iloilo (1485), Davao (1260), Cagayan De Oro (972), General Santos City (531), Zamboanga (855), Kalibo (693) at Bislig (1035).