Bank Robbery Syndicate Update
KATULAD ng mga alagad ng batas, patuloy ang pagtutok ng bitag investigative team sa mga kasong bank robberies sa Metro Manila.
Hindi tumitigil ang aming grupo sa pakikipag-ugnayan sa mga otoridad hinggil sa pagkakakilanlan ng mga suspek na bumubuo ng kilabot na bank robbery syndicate sa kalakhang Maynila.
Dahil karamihan sa mga kasong bank robberies nung mga nakaraang taon hanggang nitong taong 2008, nanatiling mga “open files status” sa mga alagad ng batas.
Matatandaan ang isang kontrobersiyal na pangyayari noong Dec. 5, 2008, ang Paranaque shootout.
Napag-alaman ng BITAG na base sa intelligenceng National Capital Regional Police Office (ncrpo), malaki daw ang naging epekto nito sa hanay ng sindikato ng bank robbery.
Nagsanib puwersa ang Alvin Flores Group, Waray-waray Group at Kuratong Baleleng upang makabuo ng isang kilabot na Robbery Syndicate.
Subalit nalagasan ng siyam na miyembro ang sindi- kato sa nasabing shootout. Nakuha rin ang ilan sa kanilang mga armas at iba pang kagamitan.
Ayon kay NCRPO Chief Gen. Leopoldo Bataoil, nakuha ang apat na M16, M 203 (pawang mga high powered guns), apat na caliber .45 at mga granada sa posesyon ng mga napaslang na suspek.
Kaya naman, nanatiling todo- alerto pa rin ang intel ng NCRPO simula noong mangyari ang Parañaque shootout hanggang sa kasalukuyan.
Mapanganib daw ang “pananahimik” ng mga nagsanib na puwersa ng notoryus na grupong sindikato ng bank robbery, dahil posibleng kumakalap lang daw ito ng pwersa para maka-buwelo at tumirang muli.
May koneksiyon ang grupong ito sa grupo ng sindikatong nakaligtas sa kamay ng NBI-IS at BITAG noong Disyembre ng 2007 sa payroll robbery holdup sa Pasig.
Isa sa naispatan ng BITAG at NBI noon na nagke-casing sa kumpanyang kanilang bi- biktimahin ay ang suspek na si Rey Olarte alyas Balong. Napatay si Olarte sa Parañaque shootout noong Dis-yembre ng 2008.
Ang get away car rin na ginamit ng grupo sa Bank Robbery naman sa RCBC noong October 15, 2007 sa E. Rodrigues Avenue Quezon City ay nakuhanan ng CCTV surveillance camera ng bangko.
Ito rin ‘yung get away car na ginamit ng gru-po ni Olarte sa Payroll Robbery Hold-up sa Pasig, isang kotse na kulay green.
Nananawagan ang BITAG at ang NCRPO na sa kung sino man ang nakakakilala at nakakaalam sa kinaroroonan sa iba pang miyembro ng kilabot na sindikato ng Bank Robbery, makipag-ugnayan agad sa amin.
Maaaring mag-text sa NCRPO textline 2920 o sa BITAG textlines sa 09289038238 at 09297972325.
- Latest
- Trending