Bro. Eddie 'fan' ni FPJ

ALAM n’yo ba na ang gustong maging Presidente noon ni JIL leader Eddie Villanueva ay ang yumaong actor na si Fernando Poe Jr? Kung hindi inendorso ng mga Christian leaders si Bro. Eddie na kumandidato sa pagka-pa­ngulo, si FPJ sana ang kanyang sinuportahan at mala­mang naging Pangulo.

Sabi ni Bro. Eddie, beteranong aktor si FPJ at ang papel ay palaging kakampi at tagapagtanggol ng mga mahihirap kaya naniniwala siyang na-internalize na niya ang ganitong sentimiyento para sa mga dukha. This being so, Bro. Eddie believed FPJ could be a good leader for the nation. 

Pero sa isang pagtitipon ng mga Christian Bishops bago mag-eleksyon, napagkaisahan na si Bro. Eddie ang patakbuhing Pangulo. Ang katuwiran daw ni Pastor Gus Lising ng Word International, pipili na lang ng tamang kandidato ay bakit yun pang tinatawag na “lesser evil” gayung puwedeng isabak ang isang tunay na lingkod ng Diyos, in the person of Bro. Eddie Villanueva. Kaya nagka­tunggalian sina Bro. Eddie, FPJ, Raul Roco at sila ang naging gitgitan ang laban dahil wala yatang nakitang good performance ang taumbayan kay Gloria Arroyo sa pag-takeover niya sa Palasyo nang mapatalsik si Presidente Estrada. Ngunit si Gloria pa rin ang “nagwagi” kaya ma­rami ang napataas ang kilay at hangga ngayo’y kinu­kuwestyon pa rin ang panalo niya. Nakikinig ba kayo? Hello..hello..Garci?

Ngayon handa nang sumabak muli si David kontra Goliath. Kung iyan ang kagustuhan ng Panginoon, walang makakahadlang. Pero bakit natalo siya noon? Nangi­babaw ba ang kasamaan ng pandaraya sa kapang­yarihan ng Diyos? I’m sure not pero may pla­no ang Diyos na mada­las ay hindi natin nauu­nawaan. Sa tingin ko, gustong ipaunawa ng Diyos sa atin ang hala­ga ng pagboto nang maayos at pagbaban­tay sa ating mga boto para hindi makalusot ang mga kampon ng kadiliman. Naranasan na natin ang epekto ng masamang pamama­hala sa ating buhay pero wala tayong magawa kundi tanggapin ang mga nangyayari sa ating bayan: Pandaram­bong on a massive scale na dahilan ng pagdami ng mga Pilipinong nagu­gutom. Gising na kaya tayo ngayon?

Natitiyak ko na ma­rami pang ibang well meaning candidates na maka-Diyos at han­dang manguna sa isang matuwid na pamaha­laan para sa ikabubuti ng ating bayan. Kahit si Bro. Eddie ay reluctant sa pagtakbo dahil isa siyang religious leader ng malaking Iglesia. Sabi nga niya, kung may ibang “people of God” na kakandidato at may abilidad mamuno at  ita­guyod ang isang righteous governance, mag­papaubaya siya.

Sa tingin ko ay may­roon. To name just two, nari­riyan si Pampanga Gov. Ed Panlilio at Isabela Governor Grace Pada­ca na isa ring “David” na gumupo sa mga political giants ng kanyang lalawigan.

Nagpakita na ng sampol ang Diyos sa panalo nina Among Ed at Gov. Padaca. Ibig sabi­hin kung nangyari iyan sa dalawang lala­wigan, pu­wedeng ga­win ito sa isang national scale kung mag­ kakaisa ang mga taong nanini­wala sa ma­tu-wid na pamama­hala at may pitagan sa Di­yos ano man ang reli­hiyon.

Show comments