^

PSN Opinyon

Lokohan napipinto sa PNP bidding?

SAPOL - Jarius Bondoc -

TALAMAK ang katiwalian. Kapalan ng mukha kung maghugas-kamay ang mga salarin. Nakunan na nga ng retrato na magkakasama sa party, itinatanggi pa rin ni P728-milyon fertilizer scammer Jimmy Paule na kilala niya ang mga babaing sangkot. Bistado nang nagbubulaan, walang kurap pa rin si prosecutor John Resado. Na-blacklist na ng World Bank dahil sa pagkukutsabahan sa public works bidding, nagpapaawang biktima pa si Eduardo de Luna. Tila aral silang lahat kay Romy Neri. Inalok na nga ng P200-milyong suhol ni noo’y-Comelec chief Benjamin Abalos, isinulong pa rin ang $329-milyong ZTE deal dahil ma-      ganda’t malinis kuno.

At ito pa ang ehemplo ng kagarapalan sa panloloko ng publiko, ayon sa isang mambabasa na humiling na itago ang pangalan. Nu’ng Biyernes nag-advertise ang PNP na bibili ng night vision goggles. Ipinagduldulan na may budget silang P10 milyon para sa 40 piraso. Lalabas na $5,300 ang isang piraso. Mag-surf lang sa Internet sa site ng E-Bay, makikitang may ilang mga goggles na gan’un nga ang presyo o mas mahal, pero karamihan ay hamak na mas mura.

 Ang tanong tuloy ng mambabasa, bakit pa binisto ng PNP ang budget nilang P10 milyon para sa 40 goggles? Pahiwatig daw kaya ito sa bidders na dapat may         “tong-pats” para manalo?

Ang masaklap, ni hindi binanggit sa ad ang specifications na nais ng PNP sa goggles. Ito dapat ang batayan ng kalidad at presyo, pero wala. Ito rin sana ang batayan ng publiko kung malinis ang kontrata, pero itinago. Sa modernong panahon at mahigpit na batas, tanong ng mambabasa, ano ang palusot ng PNP para hindi ilahad ang specifications?

Nagbabala ang mam­babasa, na isang Filipino American. Maraming patak­buhing produkto na bina­bansagang “Japanese technology” at dinidikitan ng bandilang Amerikano para magmukhang matino. Tapos minamahalan ang presyo. Malaki ang hinala niya na gan’ung klase ang night     vision goggles na mabibili   ng PNP.

* * *

Lumiham sa [email protected]

AMERIKANO

BENJAMIN ABALOS

BISTADO

FILIPINO AMERICAN

JIMMY PAULE

JOHN RESADO

ROMY NERI

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with