Never say die sa cha-cha
TINGIN ko lang, hindi pa lubos na humuhupa ang pagnanasa ng administrasyon na maisulong ang charter-change. Wika nga, uubusin at susubukan ang lahat ng posibleng paraan para matuloy ito. Kaya ang panawagan ng mga kontra-Cha-cha: “Be watchful.”
May teorya ang barbero kong si Mang Gustin na kapag nawala sa kapangyarihan si Presidente Arroyo, uulanin siya ng mga asunto kaya ngayon pa lang, ipinaglalaban ang pagbabago sa Konstitusyon upang maging Parliamentary at makapanatili si Presidente Arroyo bilang Punong Ministro.
Ano’ng estratehiya naman kaya ang puwedeng gawin na hindi halata o disimulado? Anang barbero kong gustong maging political analyst, kung di mapigilan ang eleksyon sa 2010, isasabak ng administrasyon sa presidential election ang isang kandidato sa pagka-pangulo na kapag nanalo ay siya namang magtutulak sa Cha-cha nang mabilisan at kapag nangyari ito, posibleng maibalik si GMA sa liderato sa posisyon ng Punong Ministro. At porke kaalyado ni GMA ang bagong Pangulo, protektado siya sa ano mang asunto. Teoryang barbero marahil pero iyan ang nabubuo sa isip ng maraming mamamayan. Isyung malaki nung nakalipas na linggo ang pagsasanib ng mga partidong Lakas-CMD at ang partido ni GMA na Kampi.
May mga senador ang naniniwala na ang party merger ay puwedeng taktika ito ng Malacañang na ang totoong layunin ay isulong pa rin ang hindi namamatay na isyu ng Charter Change at hindi ang magkaisa para sa 2010 election.
Ayon kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, hindi sapat ang tagubilin ni Pangulong Arroyo sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) na paghandaan ang darating na halalan.
Sey ni Escudero: Posibleng pakulo lamang ang nangyaring merger upang mas lumakas ang puwersa sa pagusulong ng Charter Change. “Baka pakulo lamang ito (Lakas-Kampi merger) upang hin di siya mapansin sa mga pailalim na pagkilos sa char ter change. Dapat gising at mapagbantay pa rin tayo dahil baka nilalansi lamang tayo,” ani Escudero.
Kahit si Sen. Nene Pimentel ay tutol sa Cha-cha bagaman at promotor siya ng pagpapalit ng por-ma ng gobyerno sa fede ralismo, hindi nito sinusuportahan ang ekstensiyon ng termino ng mga nakaupo sa gobyerno kabilang si Pangulong Arroyo.
- Latest
- Trending