Ang Wilm’s tumor ay malignant tumor sa kidney. Karaniwan itong nada-diagnosed sa mga batang ang edad ay 5 pababa. Ang sintomas ay paglitaw ng mga bukol na mahihipo o masasalat sa balat, lagnat, pananakit ng tiyan, pagkakaroon ng dugo sa ihi, pagkawala ng ganang kumain, pagsusuka at pagbaba ng timbang. Nararapat magpa kunsulta sa doctor kapag lumitaw ang mga sintomas.
Ang dahilan ng Wilm’s tumor ay hindi malaman subalit itinuturo ang abnormal abnormalities sa pagkakaroon nito. Ang muling pagsulpot ng tumor (secondary growth) sa iba pang organ ay maaaring maging dahilan ng kamatayan. Dapat iadmit sa ospital ang apektado ng sakit para maisailalim sa test at scans para makumpirma ang diagnosis. Kailangang ma-evaluate ang lawak ng tumor.
Ang treatment sa Wilm’s tumor ay ang pagtanggal sa apektadong kidney, chemotherapy, at radiotheraphy. Ang prognosis ay depende sa nature at lawak ng tumor at ganundin ang edad ng bata. May favorable prognosis ang mga bata at malaki ang pag-asang gumaling ang sakit.
Thrombophlebitis
Ang Thrombophlebitis ay ang pamamaga ng pinakadingding ng ugat at ang pagkakaroon ng clot formation dahil sa apektadong vessel. Ang dahilan nito ay dahil sa trauma o injury ng ugat. Ang lining ng membrane ay nasisira at nagreresulta sa blood clot. Kapag nagkaroon ng blood clot, mababawasan ang daloy ng dugo. Ang apektadong ugat ay magiging matigas at animo’y cordon.
Ang panganib sa Thrombophlebitis ay pinalulubha kung merong varicose vein, naninigarilyo at gumagamit ng contraceptives. Ang pag-alis sa blood clot ay maaaring gawin ganundin ang pagsusuot ng stockings. Maaaring ibigay sa pasyente ang non-steroidal anti-inflammatory drugs at pagkaraan ng dalawang linggo ay magaling na ito.