^

PSN Opinyon

Wilm's tumor at Thrombophlebitis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Ang Wilm’s tumor ay malignant tumor sa kidney. Kara­niwan itong nada-diagnosed sa mga batang ang edad ay 5 pababa. Ang sintomas ay paglitaw ng mga bukol na ma­hihipo o masasalat sa balat, lagnat, pananakit ng tiyan, pagkakaroon ng dugo sa ihi, pagkawala ng ganang kumain, pagsusuka at pagbaba ng timbang. Nararapat magpa­ kunsulta sa doctor kapag lumitaw ang mga sintomas.

Ang dahilan ng Wilm’s tumor ay hindi malaman subalit itinuturo ang abnormal abnormalities sa pagkakaroon nito. Ang muling pagsulpot ng tumor (secondary growth) sa iba pang organ ay maaaring maging dahilan ng kama­tayan. Dapat iadmit sa ospital ang apektado ng sakit para maisailalim sa test at scans para makumpirma ang diagnosis. Kailangang ma-evaluate ang lawak ng tumor.

Ang treatment sa Wilm’s tumor ay ang pagtanggal sa apektadong kidney, chemotherapy, at radiotheraphy. Ang prognosis ay depende sa nature at lawak ng tumor at ganundin ang edad ng bata. May favorable prognosis ang mga bata at malaki ang pag-asang gumaling ang sakit.

Thrombophlebitis

Ang Thrombophlebitis ay ang pamamaga ng pinaka­ding­ding ng ugat at ang pagkakaroon ng clot formation dahil sa apektadong vessel. Ang dahilan nito ay dahil sa trauma o injury ng ugat. Ang lining ng membrane ay nasi­sira at nagreresulta sa blood clot. Kapag nagkaroon ng blood clot, mababawasan ang daloy ng dugo. Ang apek­tadong ugat ay magiging matigas at animo’y cordon.

Ang panganib sa Thrombophlebitis ay pinalulubha kung merong varicose vein, naninigarilyo at gumagamit ng contraceptives. Ang pag-alis sa blood clot ay maaaring gawin ganundin ang pagsusuot ng stockings. Maaaring ibigay sa pasyente ang non-steroidal anti-inflammatory drugs at pagkaraan ng dalawang linggo ay magaling na ito.

ANG THROMBOPHLEBITIS

ANG WILM

DAPAT

KAILANGANG

KAPAG

KARA

MAAARING

SHY

TUMOR

WILM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with