^

PSN Opinyon

LPG hoarders sabunutan

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

KUMBINSIDO ang mga kuwago ng ORA MISMO, na tinatago lang ng ilang gagong negosiante ang LPG supply­ kaya naman ang hirap bumili nito sa merkado at kung mayroon man ay saksakan ng mahal.

Sabi nga, may boarding este mali HOARDING pala!

Ano pa nga ba ang magagawa ng madlang people ang bumili kahit masama ang loob nila sa mataas na presyo.

Tama ba, DOE Secretary Angie Reyes?

Ika nga, kahit mahal basta may mabili!

Hindi lang naman mga ginang ng tahanan ang problemado sa LPG shortage kahit na ang mga resto owner ay nagkakamot din ng ulo kung saan sila buy.

 Ang maganda nga lang sa mga resto owner ay puede silang makabawi sa puhunan kahit mahal ang LPG o nagdagdag sila ng pamasahe para maghanap nito dahil ang gagawin lamang nila ay magbawas ng ilang pirasong tsibog sa kanilang mga menu.

Sabi nga, dating pitong piraso ulam ginawang lima, dating malaki ginawang maliit. Ok hindi na halata kita pa rin sila.

 Dehins kasi puedeng magtaas ng presyo ang mga resto kasi alaws kakain sa kanila kung masiadong mahal ang tsibog.

Tanong - ano ang magandang gawin para ang madlang people sa Philippines my Philippines ay hindi tumaas ang presyon ng dugo?

Sagot - kumilos ang gobierno.

Ika nga, huwag magpa-hetot - hetot!

Buwisit na ang madlang people sa nangyayaring shortage tapos may urot pang gumamit daw ng charcoal para makaluto. Hehehe!

Tanong - puede bang gumamit ng uling sa mga condo?

Sagot - naku ha, HINDI!

Tuloy ang nasisisi ng madlang people ay ang pama­halaan dahil masiadong mabagal gumalaw ang ilang government­ officials sa Republic of the Philippines tungkol sa problema.

Ika nga, pakaang-kaang!

Siguro dapat busisiin ito ng gobierno para naman maibsan ang sama ng loob ng public.

Sabi nga, kailan pa!

Si Senator Miriam Defensor-Santiago

PABOR ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa reaksyon ni Senator Miriam Defensor Santiago ng ipag­wagwagan nito sa Senado na may sabwatan ang DPWH officials at ilang artista este mali kontratista pala sa kon­trata­ regarding infrastracture.

Korek ka dyan, Senator Miriam!

Hindi kasi puedeng bilugin ang ulo ni Miriam pagdating sa mga anomalya sa pamahalaan dahil sanay ito sa mga ganitong problema.

Ika nga, sino ba si Miriam?

Isang matinding avocado este mali abogado pala, naging fiscal, naging judge, naging Commissioner at ngayon ay isang magaling na Senador ng Philippines my Philippines.

Halos naglulundagan ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng pagwagwagan at sermunan ni Miriam ang taga-DPWH at kontratista na dumalo sa pagdinig sa Senado the other day.

Sabi nga, tama ka Miriam dahil tinamaan sila lahat sa sinabi mo.

Ika nga, keep up the good work, Tita Miriam.

Mahal ka ng people of the Philippines!

Pre-need plans, kalkalin

HINDI biro ang problema ng mga plan holder dahil kina­kabahan sila sa kanilang pinuhunan atik sa mga pre-need plans sa Philippines my Philippines.

Dapat na itong imbestigahan at isama na rin sa investigation­ ang SEC!

Kung sa Senado ito kakalkalin siguro dapat nandoon si Tita Miriam para bakbakan sila ng todo porke nadenggoy ang ilang plan holder sa kinuha nilang pension, insurance, education echetera.

May mga pre-need plans na kasing nagsara dahil ang palusot ay nadamay sila sa pangdaigdigan krisis pinansiyal.

Naku ha!

Samantala, ang SEC naman ay parang nagulat sa pang­yayari dahil nga pakaang-kaang sila.

Sabi nga, natutulog sa pansitan.

Tiyak ang pag-asa ng madlang people na na­apektuhan ng problemang ito ay ang sinasabing trash can este mali trust fund pala na puedeng mahabol ng mga plan holder.

‘Kayo ano sa palagay ninyo may pag-asa pa ba?’ tanong ng kuwagong naloko.

‘Iyan kamote ang itanong mo sa kanila’

Abangan.

IKA

MIRIAM

PHILIPPINES

SABI

SENADO

SHY

SILA

TITA MIRIAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with