^

PSN Opinyon

Kaso ni Jocjoc, tapos!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

WINAKASAN ng Senate Blue Ribbon Committee ang shooting ng pelikulang “Shock, Rattle and Roll” sa Senado na pinagbidahan ni dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante. Ang kahindik-hindik na drama ay inaba­ngan ng sambayanang Pinoy na nagpupuyos ang damda­min sa P720 milyong fertilizer scam. Hehehe! Sa unang sultada ng shooting este Senate hearing humanga ang sambayanan sa katapangan ng mga senador. Subalit nang tumagal, puro pa-pogi na.

Kung napasakamay lamang ng mga magsasaka ang fertilizer tiyak na hindi kakapusin ng bigas at mga produk­tong pang-agrikultura ang bansa. Ganyan kapabaya ang pamahalaan sa paglustay ng salapi ng bayan.

Sa mahabang balitaktakan at pagtatanong ng mga senador ay hindi nila napaamin si Bolante kung saan napunta ang salapi. “Shock” to the bone ika nga.

Dahil umaasa ang mga senador sa pamumuno ni Richard Gordon na mapatotohanan ng mga tinatawag nilang alas ang kutsabahang pagnanakaw ni Bolante ay na-“Rattle” sila sa pagbaliktad ng ilan nilang witnesses. Halos ma­hulog ang mga ito sa kinauupuan. Nabalewala ang pag­sunog ng kilay ng mga senador sa kaso ni Bolante kaya ang naging rekomendasyon ng Committee ay i-“Roll” o isulong na lamang ang kaso sa Ombudsman. Sayang ang ilang araw na pagdetine kay Bolante sa Senado.

At dahil sa sobrang pagkadismaya ng mamamayang nagugutom, ayaw na muna nilang sumubaybay sa paggiling ng Ombudsman sa kaso ni Bolante. Ano pa nga ba ang ma­­aasahang parusa na ipapataw kay Bolante kung sa Senado nga nakalusot ang pagsisinungaling, sa Ombudsman pa kaya na madaling gapangin. Dahil diyan, nais ng mga magsasaka na lumapit sa mga senador na makatu­tulong upang makaahon sa kahirapan tulad ng mga naka­usap ko sa Bgy. Matalatala, Mabitac, Laguna.

Nasa puso umano nila si dating Senate President Manny Villar dahil umangat umano ang pamumuhay nito sa “Sipag at Tiyaga” kaya alam nito kung paano matutugunan ang kanilang pangangailangan sa bukirin.

Matutupad lamang daw ang pangarap nilang makaahon sa kahirapan kung tutulungan sila ni Villar sa pamamagitan ng paghikayat sa mga negosyante na mamuhunan para bilhin ang kanilang ani. Malaki umano ang kanilang gina­gastos sa pamasahe sa pagluluwas ng kanilang ani sa bayan ng Mabitac kaya karampot ang kanilang kinikita.

Hangad din nilang masanay ang kanilang kapamilya sa livelihood upang magkaroon ng extra income na makatu­tulong sa pangangailangan nila sa araw-araw. Alam n’yo mga suki, magagalang, mababait at masisipag ang mga taga-Mabitac partikular ang mga taga-Matalatala. Kaya lamang, kapos sila sa puhunan at kaalaman kaya umaasa na lamang sila sa kanilang ani.

Pagtatanim ng palay at gulay, pagkukopra at pag-aalaga ng baboy ang hanapbuhay ng mga taga-Matalatala. Dahil walang ibinibigay na suporta sa kanila ang pamahalaan, bayad-utang ang nakagawian na nila.

Senador Villar, dinggin mo ang pakiusap ng mga resi­dente ng Bgy. Matalatala at maasahan mo na susuportahan ka nila sa 2010 eleksyon. Get mo Senador Villar?

vuukle comment

BGY

BOLANTE

DAHIL

MABITAC

MATALATALA

SENADO

SENADOR VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with