^

PSN Opinyon

Maraming pinahanga sa America si Charice

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

SIKAT na sikat na si Charice Pempengco, ang batam­batang Pinay na mang-aawit na hindi mo malaman kung saan hinuhugot ang ganda ng boses. Pinagka­kaguluhan siya sa Amerika ngayon hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng iba’t ibang lahi. Nasaksihan nila ang galing ni Charice nang kumanta ito sa pre-inaugural parties bago mag-oathtaking si President Barack Obama.

Sinalubong si Charice ng masigabong palakpalakan at standing ovation na ginagawa lamang ng audience sa performers na talaga namang sobra ang galing. Pati nga ang kapatid ni Obama na isa sa mga nasa audience ay napatayo at walang tigil sa pagpalakpak sa Pinay singer. Niyakap pa nito si Charice.

Nasasanay na yata si Charice na salubungin ng stand­ing ovation. Nangyari ito nang mag-guest siya sa ka­una-unahang TV appearance niya sa US sa Ellen Degeneres Show. Ganoon din ang nangyari sa TV show ni Oprah Winfrey. Nagulat si Oprah sa galing ni Charice at nabanggit niya ang salitang “where did this girl come from.”

Sa impluwensiya ni Oprah, ginawan ng paraan ni David Forster, sikat na composer at talent developer, na ma­isama si Charice sa concerts ng mga world entertainment celebrities gaya nina Celine Dion at Andrea Bocelli.

Nakapag-perform si Charice sa pre-inaugural balls ni Obama dahil din sa tulong ni Oprah. Nabalitaan ko, magka­karoon na rin daw ng isang TV show sa US si Charice. Mina­madali naman ni Forster ang re­cord album ni Charice para may mabili na ang mga tao sa Amerika na kasama ang world entertainers. At last, mayroon nang Pilipino na hahangaan sa buong mundo sa larangan ng entertainment.

AMERIKA

ANDREA BOCELLI

CELINE DION

CHARICE

CHARICE PEMPENGCO

DAVID FORSTER

ELLEN DEGENERES SHOW

OBAMA

OPRAH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with