^

PSN Opinyon

Walang nakasisiguro sa kinabukasan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ANG kasalukuyang krisis pinansiyal ay patunay na kahit ang pinakahiganteng bansa na may matatag na ekonomiya ay maaaring malumpo. Sino ang mag-aakala na babagsak ang mga pina­kamalalaking banko? Sino ang mag-aakala na babagsak ang mga malalaking kumpanya,na matatag at matibay?” Sino ang mag-aakala na ang Intel, isa sa pinakamalaking microchip maker sa mundo na nag-eempleyo ng libu-libong Pinoy ay nagsara na.

Kakatapos lang nang pagkawala ng mga inihulog sa educational plans dahil sa maling palakad ng Pacific Plans at College Assurance Plans heto at marami na raw kasunod na mga pre-need companies na nanganganib. Nasa bingit na raw ng bangin at mahuhulog na. Itong balitang ito ang nagdudulot ngayon ng pangamba sa lahat ng may mga kontrata pa sa mga pre-need na kompanya. At natural lang iyon. Sino naman ang matutuwang malaman na hindi na magagampanan ang pangako ng kompanya na sila ang sasagot sa matrikula ng kanilang anak, maging kabuuan o bahagya man? Kaya nga maraming bumili ng mga kontrata na iyan ay para wala na silang masyadong iisipin kapag magagamit na ang kasunduan.

Pero hindi naman bago rin itong pangyayari. Alam na ng lahat ang pagsara ng CAP, Pacific   Plans at Platinum Plans. Kailan lang ay may nag­sarang tatlong pre-need companies, bagama’t mga maliliit na kompanya lang ito. Nagpahayag naman ang isang kalihim ng SEC na ang mga natiti­rang kompanya ay malulusog pa raw, at dapat lang na magpatuloy sila sa mga ginaga­wa nila para tuluyang makabangon na nang husto ang in­dustriya. Sana nga ay totoo ang pahayag na ito.

Natatandaan pa natin kung ano ang ginawa ng Pacific noong 2002 na basta nagsara na lang ng mga tanggapan nila. Ito ring gobyernong ito ang panay ang press release na hindi mawawa­lan ng trabaho ang OFW’s. O heto na at daang-libo na yata ang nawawalan ng trabaho na OFWs at mga nasa multinational company dito sa Pilipi­nas ngayon! Nakaka­nerbiyos kapag sinasabi tuloy nilang “walang problema”.

Tanging ikaw ang amo ng iyong kinabu­ka­san. Kapag maganda ang paghanda mo sa kinabukasan, hindi ka magkakaproblema. Mahirap talaga kapag ang kinabukasan mo   ay pinauubaya mo rin sa iba. Noong araw, baka mas madaling magti­wala dahil maganda ang takbo ng negosyo sa pangkalahatan. Pero dahil sa nangyayari nga­yon, ang payo na mabi­bigay ng maraming eks­perto sa lahat.? Kung wala naman talagang problema ang mga kom­panyang ito, eh di ma­buti. Pero gayunpaman, matuto na rin ta­yong hu­mawak sa sarili nating buhay, pera at kinabuka­san ng pamilya natin.

ALAM

COLLEGE ASSURANCE PLANS

PACIFIC PLANS

PERO

PLATINUM PLANS

SHY

SINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with