ISANG kakaibang reklamo ang natanggap ng BITAG bago pa man magtapos ang taong 2008.
Buwan pa lamang ng Nobyembre ng nakaraang taon, isang 50-anyos na American citizen ang lumapit sa BITAG, si Jack Abshire.
Direktamenteng inaakusahan ni Jack ang isang sikat at pinakamalaking mall sa buong bansa na ginamit raw ang kanyang mukha bilang Santa Claus.
Wala raw pahintulot ang SM malls na ipinaskil ang kanyang mukha sa mga posters, flyers at billboard ng mall para sa kanilang Christmas Promo.
Ayon kay Jack, nagsimula ang lahat ng makilala niya ang isang talent scout sa loob ng isang malaking network at inalok siya nitong mag-audition bilang isang Santa Claus.
Sa SM North Edsa, nagphoto shoot si Jack kasama ang nasabing talent scout, hindi pa siya naka-costume ng pang-Santa Claus dito.
Ang siste, ilang linggo ang nakalipas, naglabasan na sa mga branches ng SM ang mukha ni Jack na nakasuot pang Santa Claus.
Pinatunayan ni Jack sa BITAG na siya ang Santa Claus na ginamit ng SM sa kanilang Christmas promo.
Ang malaking pagitan sa harapan ng kanyang ngipin at ang peklat sa kanyang noo ay nakita rin sa larawan ni Santa Claus mula sa flyers ng SM.
Upang makatulong sa aming pag-aaral at imbestigasyon sa kasong ito, nakipag-ugnayan kami sa isang eksperto.
Sa pamamagitan ng isang print producer at graphics designer, ipinakita sa amin ang teknolohiya ng photo editing.
Nasaksihan ng BITAG kung papaano niya gawing Santa Claus ang larawan ni Jack. Hindi mo maikakaila na hindi mo agad malalaman kung kaninong mukha ang nasa likod ng edited Santa.
Ayon naman kay Atty. Freddie Villamor, nasa batas natin ang ganitong kaso.
Sinasabi raw sa ating Civil Code, Article 26, ang paggamit sa mukha ng isang tao para sa publikasyon o anupaman nang walang pahintulot nito ay isang civil liability.
May pananagutan ang sinuman na bayaran o magbigay ng danyos depende sa damage ng pagkakagamit sa mukha ng isang pribadong tao.
Sa kaso raw ni Jack, may liabilidad ang SM sa paggamit ng mukha ng amerikano sa kanilang promotion nang walang pahintulot.
Hindi raw gaanong napapansin ang kasong ito sa ating bansa dahil sa nga yon ay wala pang anumang desisyong nailala bas ang hukuman sa ganitong kaso.