^

PSN Opinyon

Ako si Santa!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG kakaibang reklamo ang natanggap ng BITAG bago pa man magtapos ang taong 2008.

Buwan pa lamang ng Nobyembre ng nakaraang  taon, isang 50-anyos na American citizen ang lumapit   sa BITAG, si Jack Abshire.

Direktamenteng inaakusahan ni Jack ang isang sikat at pinakamalaking mall sa buong bansa na ginamit raw ang kanyang mukha bilang Santa Claus.

Wala raw pahintulot ang SM malls na ipinaskil ang kanyang mukha sa mga posters, flyers at billboard ng mall para sa kanilang Christmas Promo.

Ayon kay Jack, nagsimula ang lahat ng makilala niya ang isang talent scout sa loob ng isang malaking network at inalok siya nitong mag-audition bilang isang Santa Claus.

Sa SM North Edsa, nagphoto shoot si Jack kasama ang nasabing talent scout, hindi pa siya naka-costume ng pang-Santa Claus dito.

Ang siste, ilang linggo ang nakalipas, naglabasan na sa mga branches ng SM ang mukha ni Jack na nakasuot pang Santa Claus.

Pinatunayan ni Jack sa BITAG na siya ang Santa Claus na ginamit ng SM sa kanilang Christmas promo.

Ang malaking pagitan sa harapan ng kanyang ngipin at ang peklat sa kanyang noo ay nakita rin sa larawan ni Santa Claus mula sa flyers ng SM.

Upang makatulong sa aming pag-aaral at imbestigas­yon sa kasong ito, nakipag-ugnayan kami sa isang eksperto.

Sa pamamagitan ng isang print producer at graphics designer, ipinakita sa amin ang teknolohiya ng photo editing.

Nasaksihan ng BITAG kung papaano niya gawing Santa Claus ang larawan ni Jack. Hindi mo maika­kaila na hindi mo agad ma­lalaman kung kaninong mukha ang nasa likod ng edited Santa.

Ayon naman kay Atty. Freddie Villamor, nasa batas natin ang ganitong kaso.

Sinasabi raw sa ating Civil Code, Article 26, ang paggamit sa mukha ng isang tao para sa publi­kas­yon o anupaman nang walang pahintulot nito ay isang civil liability.

May pananagutan ang sinuman na bayaran o magbigay ng danyos depende sa damage ng pagkakagamit sa mukha ng isang pribadong tao.

Sa kaso raw ni Jack, may liabilidad ang SM sa paggamit ng mukha ng ame­rikano sa kanilang promotion nang walang pahintulot.

Hindi raw gaanong na­papansin ang kasong ito sa ating bansa dahil sa nga­ yon ay wala pang anu­mang desisyong nailala­ bas ang hukuman sa ganitong kaso.    

AYON

CHRISTMAS PROMO

CIVIL CODE

CLAUS

FREDDIE VILLAMOR

ISANG

JACK

SANTA

SANTA CLAUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with