(Huling bahagi)
SINISIRA ng paninigarilyo ang katawan sa pamamagitan nang pagkawala ng mga mahahalagang bitamina. Kabilang dito ang pagkawala ng Vitamin B 12. Ang Vitamin B12 na matatagpuan sa pagkaing butil, karne at isda ay mahalaga sa function ng katawan lalo pa ng atay. Ang Vitamin B 12 ay ginamit bilang detoxification sa cyanamide na laging nakikita sa usok ng sigarilyo. Kaya nga gaya ng aking sinasabi, ang paninigarilyo ay masama sapagkat sinisira nito ang katawan. Ang aking payo, itigil na hanggang maaga pa ang paninigarilyo.
Hindi pa naman huli ang lahat para itigil ang bisyong ito at nang makaligtas sa tiyak na kapahamakan. Ang pagtigil sa bisyong sigarilyo ay malaking tagumpay.
May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang paninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itinigil na ang paninigarilyo. Palitan ang mga pagkaing ito ng pasta at potatoes. Huwag hayaang ang inyong bisyong paninigarilyo ay mapalitan nang panibagong bisyo. Kung kayo ay gustung-gustong kumain nang matatamis, mas mabuting kumain ng prutas.
Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo ito ngayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi lamang kayo ang makikinabang kundi pati na ang pamilya. Alalahanin ang pinsalang idinudulot ng paninigarilyo sa katawan.