KOMENTARISTA sa radyo’t telebisyon sa Amerika si Andy Rooney. Edad-90, isang segment sa 60 Seconds ang pinaka-sikat niyang programa. Mahilig siya magsulat tungkol sa buhay, tulad ng mga sumusunod na sipi:
“Nalaman ko ... na ang pinaka-mabisang silid-aralan sa mundo ay sa paanan ng isang nakakatanda.
“Nabatid ko ... na kapag ikaw ay umiibig, ito’y nababanaag.
“Napansin ko ... na masabihan lang ako ng isang tao na ‘binuo mo ang araw ko’ ay nabubuo na ang araw ko.
“Natutunan ko ... isa sa pinaka-mapayapang pakiramdam sa mundo ay kapag may nakatulog na bata sa kandungan mo.
“Nalaman ko ... na mas mahalaga ang pagiging mapagbigay kaysa pagiging wasto.
“Nabatid ko ... na huwag ka tatanggi kelanman sa regalo mula sa isang paslit.
“Napansin ko ... na kahit kelan ay kaya mo ipagdasal ang isang tao kung hindi mo kayang tulungan siya sa ibang paraan.
“Natutunan ko ... kahit gaano kaseryoso ka dahil sa iyong kalagayan sa buhay, kailangan mo pa rin ng kaibigan para makipag-biruan.
“Nalaman ko ... kung minsan ang kailangan lang ng taong nagpo-problema ay kamay na tatapik at pusong uunawa.
“Nabatid ko ... na ang mga simpleng pasyal namin ni Tatay paikot sa bloke namin tuwing bakasyon ay humubog sa aking pananaw sa buhay.
“Napansin ko ... na dapat tayo magpasalamat na hindi lahat ng ating hiling ay tinutupad ng Diyos.
“Natutunan ko ... na pagmamahal, hindi panahon, ang humihilom sa lahat ng sugat.
“Alam ko na .. na ang maliliit na pang-araw-araw na pangyayari ang nagpapasarap sa buhay.”
* * *
Lumiham sa jariusbondoc@workmail.com