Kotongan sa RORO, yari kayo!
“LAGAY muna bago SAKAY”, eto ngayon ang umiiral na estilo ng mga shipping lines ng RORO mula Allen Samar papuntang Matnog, Sorsogon.
Hindi ba’t RORO ‘yung dating ipinagmamalaki ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na isa sa kanyang mga proyekto sa transportasyon
Isang sumbong ang ipinarating sa BITAG sa pamamagitan ng aming textline hinggil umano sa pamimili at pangongotong ng mga tauhan ng RORO sa nabanggit na destinasyon.
Ayon sa nagsumbong, namimili raw ng mga ika- kargang sasakyan yung mga shipping lines ng RORO mula Matnog Sorsogon papuntang Allen Samar at vice versa.
Mas pinapaburan ng mga tinamaan ng lintik na shipping lines ‘yung mga bus dahil mas malaki raw ang tinatanggap na bayad ng mga ito kesa sa mga trucking ng prutas at gulay o yung mga perishable products.
Kung wala kang isang libong piso, yaring yari ka! Hindi daw maisasakay yung mga sasakyang may kar-gang perishable products.
Kahapon ng umaga sa BITAG Live ay pinaunlakan kami ni Department of Transportation and Communication Undersecretary Len Bautista na siya ay mai-phone patch interview tungkol sa reklamong ito.
Ikinagulat rin ito ni USEC. Bautista at sinabing hindi tama at iligal ang ginagawang ito ng mga tauhan sa RORO.
Dapat nga raw ay inuuna ng mga kolokoy ang mga sasakyang may kargang perishable products dahil ito ay nasisira.
Proyekto raw ito ng Pangulo kung kaya’t hindi dapat umiiral ang ganitong sistema ng pangongotong at pamimili ng mga pasahero.
Dagdag pa ni Usec. Bautista, personal niya raw sisilipin at iimbestigahan ang sumbong na ito na ipinarating ng BITAG.
Nangako rin si Usec. Bautista na ipapaalam niya sa BITAG ang aksiyon na kanilang ginawa at resulta ng kanilang imbestigasyon sa sumbong na ito.
Babala naman namin sa mga kawani ng RORO shipping lines sa Matnog Sorsogon at Allen Samar, wag kayong pahuhuli sa BITAG.
Kapag kami ang sumilip sa inyo, mapupulbos kayo sa kahihiyan kayong mga putok sa buhong mangongotong diyan sa RORO kapag hindi niyo tinuldu- kan ang inyong mga kagaguhan!
- Latest
- Trending