^

PSN Opinyon

Gayahin ang sinimulan ni Bgy. Chairman Angelo Decena

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

BINIGYAN ng sulusyon ni Chairman Angelo Decena ng Bara­ ngay 25, Zone 5, Pasay ang problemang basura matapos na maglagay ng Garbage Sigregation and Com­posting Station sa kanyang nasasakupan. Bukod sa maka­tutulong sa problema ay pagkakakitaan pa ng kanilang barangay. Malaking tulong ito upang malunasan ang problema sa global warming na nararanasan ng lungsod. Ang Pasay ay mala-sardinas na ang mga kaba­hayan at halos wala nang malanghap na sariwang hangin. Kaya kung ang lahat ng barangay ay magkakaisa sa sinimulan niyang proyekto tiyak magiging malinis ang ka­paligiran. Get n’yo mga suki?

Kahapon, inanyayahan ako para sumaksi sa pag­papa­sinaya ng Composting Station sa 173 Int. M. Santos St., Leve­riza, Pasay City.

Nakita ko ang mga makinaryang panggiling ng mga nabu­bulok na basura na inihahalo sa lupa upang mag­silbing pa-taba sa mga halaman. Sa totoo lang, nakita kong matataba ang mga halaman sa paso na ginamitan ng bio-soil mula sa composting products. Kung maabilidad lamang tayo, tiyak na malulunasan ang kahirapan.

Taas noo naman si Chairman Decena sa kanyang proyekto dahil labis na hinangaan siya ng kanyang kalapit na barangay chairman at nagbabalak na ring sundan ang kanyang sinimulan. Konting yabang Chairman Decena, dahil ang iyong ginagawa ay naaangkop lamang sa problema ng ating bansa. Bagamat hindi nakarating si Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad ay sinugo naman nito si Madam Cristina Eshmawi, hepe ng Solid Waste Management Office para mag­masid at mag­bigay ng suporta sa naturang proyekto. Nais ni Mayor Trinidad na palawakin ito sa kanyang lungsod para maba­go na ang taguring SIN CITY, hehehe!

Mayor Trinidad dapat palawakin mo itong proyekto na sinimulan ni Chairman Decena upang malaki ang matipid sa gastusin ng inyong lungsod at mabigyan ng hanap­buhay ang mga nagugutom na mamamayan. Di ba Mayor?

“Pagpalain ka sana ng Diyos Chairman Decena sa maka­kalikasan mong talento,” ito ang sinabi ni Rev. Ramil John David Tapan ang acting Parish Priesh ng Our Lady of Sorrows Parish.

Maging sina Chairman Benjamin Lim, Bienvenido Alfon­ so, Oscar Bacani, Ron-Jay Advincula, Virgilio Sevilla, Antonio Nayve, Mario Caballes, Ramil Barcelona at Antonio Le­gaspi ay nagbigay din ng kanilang suporta sa naturang pro­yekto at sa mga darating umano na mga araw ay magla­lagay din sila sa kanilang nasasakupan! Tama lang po para di kayo nahuhuli sa pag-asenso at kalinisan. O mga suki kong bara­ngay chairman, tama na ang yabangan at pagsisiga-siga­an sa inyong lugar, simulan na ninyong magbanat ng buto, gayahin na lamang ninyo ang proyektong sinimulan ni Chairman Decena upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng inyong lungga. Abangan!

ANG PASAY

ANTONIO LE

ANTONIO NAYVE

BIENVENIDO ALFON

CHAIRMAN

CHAIRMAN ANGELO DECENA

CHAIRMAN DECENA

MAYOR TRINIDAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with