^

PSN Opinyon

Bro. Eddie, Among Ed sasabak sa 2010?

- Al G. Pedroche -

THERE is now a growing clamor for righteous governance sa ating bansa. Nalaman ko mula sa isang mapana­naligang source na binubuo na ng partidong Bangon Pilipinas ang tambalan nina Bishop Eddie Villanueva (for President) at Pampanga Governor Ed Panlilio (Vice President) para sa nalalapit na 2010 presidential polls. Isa siyang kilalang Pastor na ang advocacy ay ang pagka­karoon ng maka-Diyos na lipunan.

Bilang isa sa mga convenor ng Media Pillar, madalas kaming magkapalitang-kuro ng Pastor na ito na siyang nagsisilbi naming tagapamahayag ng mensahe ng Diyos sa aming mga pagtitipon.

On a level playing field, kitang-kita ang pagwawagi   ng tandem na ito. Bakit? Napurga na nang husto ang taum­bayan sa talamak na katiwalian at pangungurakot sa gobyerno. They might just give this tandem a try, at bakit ang hindi?

Sasabihin ng marami “Huh, imposible iyan.” Ows, impo­sible? Sino ang magsasabing magiging gobernador ang isang Pari sa Pampanga. Isang paring kilala lang siguro sa kanyang parokya pero hindi sa buong Pam­panga na ang kinalaban ay mga kilalang kingpin ng lala­wigan. Ma-impluwensya at mapera ang sinagupa ni Among Ed. Pero dahil Diyos na ang nakialam, walang sa-lapi, kapangyarihan at karahasan na nakahadlang sa pag­wawagi ni Among Ed Panlilio na ngayo’y gobernador na.

Minsan nang tumakbo si Bro. Eddie at isa ako sa masugid na sumuporta sa kanya. Talo sa unang hirit pero naniniwala akong napakarami niyang boto na natamo. Masyadong vocal si Bro. Eddie sa pagba­tikos sa katiwaliang nangyayari sa pamaha­laan. Pero ang tugon ng Malacañang sa pama­magitan ni Spokesman Jess Dureza, walang monopolyo si Bro. Ed­die na bumatikos sa katiwalian dahil kahit si Presidente Arroyo ay kumokondena rin sa ganyang kabuktutan.

Ang pahayag ni Du­reza ay kinuwestiyon ni Bro. Eddie sa gitna ng malinaw at lumalala pang talamak na kati­waliang namamayani ngayon sa ilalim ng pamahalaang Arroyo.

Sagot ni Bro Eddie “Ang pamantayan at pruweba ng katotoha­nan sa mga sinasabi, ginagawa, o di ginaga­wa ay makikita sa bu­nga ng mga ito. Lantad sa sambayanang Pili­pino kung talaga nga bang seryoso si GMA sa pagsugpo ng kati­walian sa pamaha­la­an.  Malinaw na hang­gang ngayon ay tila may busal pa rin sa bibig sina GARCI, JOC-JOC, NERI, atbp., dahi­lan upang mahadla­ngan ang sana’y maka­buluhan at makatoto­hanang imbestigasyon tulad ng Senate hearings. Kaya kung tutuu­sin ay isang pagbaba­latkayo lamang itong sinasabi ni Dureza na nais din ng pagbabago ng gobyernong ito.” 

AMONG ED

AMONG ED PANLILIO

BANGON PILIPINAS

BISHOP EDDIE VILLANUEVA

BRO EDDIE

DIYOS

EDDIE

MEDIA PILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with