^

PSN Opinyon

Para sa guro ng Tanay National High School, sige magtago ka pa, galingan mo ha!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

“PUWEDE kang tumakbo pero hindi mo puwedeng pagtaguan ang BITAG”, mensahe ito ng BITAG para sa nagtatago ng guro na si G. Ernesto Bernabeo.

Si Bernabeo ‘yung nasa likod ng mapanira at kontro­bersiyal na malalaswang litrato na ipinaskil niya sa friendster.

Hangga’t hindi siya nagpapakita sa amin at hindi naka­kapagpaliwanag ng kanyang katarantaduhan, hindi namin bibitawan ang kasong ito.

Hindi lamang ito usaping legal kung saan simpleng puwede lamang siya sampahan ng kaso, ang panguna­hing usapin dito ay ang moralidad na kanyang binaboy.

Moralidad ng eskuwelahang kanyang pinagtuturuan na dati ring pinapasukan ng kanyang estudyanteng biniktima.

Disi-sais anyos pa lamang noon ang biktimang itinago ng BITAG sa pangalang “Mel” nang magkaroon sila ng relasyon ng kanyang gurong si Bernabeo.

Nang magtagal ay nauwi na sa sakitang pisikal ang kanilang relasyon kung saan binubugbog na umano ni Bernabeo si Mel.

At nitong huli, sa kanilang hiwalayan, lumabas ang malalaswang hubad na litrato ni Mel at kanilang pagtatalik.

Labis ang hinagpis ng ina at mga kapatid ni Mel dahil huli na nang malaman nitong ang kanyang anak ay inas­wang na ng kanyang guro sa loob mismo ng paaralan.

At ang masaklap, kung kailan kumalat na ang mga mapanirang litrato sa friendster, naging usap-usapan ng mga kalala­ kihan at kababaihan sa kanilang baryo sa Tanay, saka lamang nakarating sa kanya ang problema.

Samantalang ang Ta­nay National High School, patay-malisya sa nang­ yari, wala raw sila alam. Nakakatawa ang kanilang mga ekspresyon ng ipa­ kita ng BITAG ang mga larawan na nakapaskil pa rin sa friendster.

Kandaluwaan ang ma­ta ng principal, presidente at mga opisyales ng pa­ aralan. Kawawang mga opisya­les, naiputan sila sa ulo ni Bernabeo ng hin­di nila nalalaman.

Kaya’t ang siste, sa kanila bagsak ang sisi, sila ngayon ang humaha­ rap sa kahihiyang ginawa ng kanilang guro na nakakagulat na nagtuturo pa ng mga panahong dumating ang BITAG (naglahong parang bula ang kolokoy ng maamoy ang balitang dumating kami sa Tanay Rizal).

Alam na ng BITAG kung saan matatagpuan ang kolokoy na gurong si Bernabeo. Tumakbo man siya, magtago man siya, hinding-hindi niya mata­ta­kasan ang katarungang tatak BITAG para sa bik­tima!

vuukle comment

ALAM

BERNABEO

BITAG

ERNESTO BERNABEO

KANYANG

NATIONAL HIGH SCHOOL

SHY

SI BERNABEO

TANAY RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with