Paano sinisira ng paninigarilyo ang katawan ng tao?
(Unang bahagi)
MASAMA ang paninigarilyo. Marami nang isinagawang pag-aaral na ang paninigarilyo ang dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga, throat, mouth, stomach, pancreas, bladder at rectum. Ang paninigarilyo ay nagiging dahilan ng leukemia. Kalahati ng bilang ng mga naninigarilyo at namatay dahil sa bisyong ito. Ang pinakambuting magagawa ay sundin ang payo na huwag manigarilyo.
Natuklasan na ang mga naninigarilyo ay may mala king kakulangan sa Vitamin C. Ang Vitamin C kapag nagkulang sa katawan ay mahirap nang lumaban sa mga tinatawag na free radicals na dulot ng sigarilyo. Hindi na maaaring lumaban ang katawan sa nitrosamines —— cancer forming agents na nakukuha sa nitrogen compounds ng pagkain.
Sa mga isinagawang tests sa mga naninigarilyo nakita na 30 percent ang kakulangan nila ng Vitamin C sa kanilang dugo. Para mapunan ang kakulangan nila sa Vitamin C, dapat nilang kumunsumo ng 40-80 mg. ng Vitamin C daily. Nararapat kumain nang maraming prutas at gulay ang naninigarilyo para mapunan ang kakulangan ng Vitamin C sa katawan. Bukod sa Vitamin C, dapat ding magtake ng Vitamin E. Ang Vitamin E ay matatagpuan sa wheathgerm, avocado, vegetable oils, nuts at seeds.
- Latest
- Trending