^

PSN Opinyon

Paalam, Mama!

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAMI ni President Erap, ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estra­da at ang buong pamilyang Ejercito ay lubos na nagdadalamhati sa pagyao ni Mama Mary Ejercito.

Ang itinuring na haligi ng pamilya Ejercito ay puma-naw noong Martes ng hapon sa edad na 103. Pumanaw siya na hawak ni President Erap ang kanyang kamay.

Mula pa noong una, si Mama ang nagsilbing inspi­rasyon ng buong pamilya, lalo na ni President Erap, partikular sa kanyang propesyon, paglilingkod sa bayan at pagpasok sa pulitika.

Si Mama ang pinagmulan ng lakas ng loob ni Pre-sident Erap para maging matatag sa harap ng mga hamon at pagsubok. Ayon kay President Erap, ang laging bilin   ni Mama sa kanya at sa kanyang mga kapatid ay mag­dasal, anuman ang maging sitwasyon sa buhay.

Si Mama ay tunay na halimbawa at modelo ng kabu­tihan at pagmamahal sa Diyos at sa kapwa tao. Siya ay relihiyosa, madasalin, madisiplina at mapagkawang-gawa. Marami siyang tinulungang charity organiza-      tions tulad ng Damas Filipinas orphanage. Noong 1998 ay ginawaran siya ng “Ulirang Ina” award ng Philippines’ Elderly Persons Foundation.

Kami ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga nagmamahal kay Mama at nakikiramay sa aming pa­ milya.

Ang kanyang mga labi ay dadalhin ngayong Sabado nang umaga mula sa pinagburulan sa St. John the Baptist Church patungo sa huling himlayan sa musoleo ng mga Ejercito sa San Juan City Public Cemetery, kung saan nakahimlay din ang labi ng kanyang naging buti-hing asawang si Emilio Sr. at mga kapatid nito.

Nalulungkot kami dahil wala na si Mama, pero alam naming siya naman ay nasa mapayapang ka­lagayan na ngayon at ma­ka­kapiling na niya ang Poong Maykapal.

Mamamalagi ang kan­yang alaala sa kanyang   pa­milya at sa mga taong   tu­matanaw sa kanya ng ins­pi­rasyon.

Paalam, Mama, at sala­mat sa iyong iniwang ma-sa­sayang alaala. Patuloy   ka naming magiging mo-delo sa pagiging mabuting ma­mamayan.

Patuloy din na­ming isa­sabuhay ang iyong mga bilin, lalo na ang tuwi­nang pagdarasal at ang ma­ta-   tag na pananalig sa ating Panginoon.

DAMAS FILIPINAS

EJERCITO

ELDERLY PERSONS FOUNDATION

EMILIO SR.

MAMA

PRESIDENT ERAP

SHY

SI MAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with