^

PSN Opinyon

Gurong suspek ng isang kaso ng Cybercrime, nagtago!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

GULPI DE GULAT! Eto ang bumasag sa katahi­mikan  ng dulong bayan ng Tanay, Rizal. Ito’y matapos naming hunting-in ang suspek sa likod ng isang Cyber­crime  para sa taong 2009.

Isang guro ng Tanay National High School ang nagtago sa kanyang lungga ng malamang nasa lugar nila ang BITAG para kumprontahin sa kanyang krimeng ginawa.

Ang kanyang kasalanan, walang pakundangan nitong ipinaskil sa friendster ang mga malalaswang litrato at pagtatalik ng kanyang dating kasintahan na dati niyang estudyante sa hayskul.

Ang siste, wala ang kanyang mukha kundi mga ma­seselang bahagi at hubad na katawan ng biktima lamang ang kanyang ipinangalandakan.

Menor-de-edad pa lamang ang biktima ng magkaroon sila ng relasyon at habang bubot pa ang pag-iisip ng pobre, inaaswang naman siya ng mapagsamantala niyang guro.

Sa una, naging maganda ang kanilang pagsasama, subalit sa huli, sinasaktan na raw siya ng pisikal ng suspek kaya’t nagawa nilang mag-ina na magsumbong sa pulis.

Pagkaawa ang nadama ng BITAG dahil ng personal naming tunguhin ang bayan ng Tanay, matapos nilang lumapit sa BITAG.

Bumungad sa amin ang mahirap na pamumuhay ng biktima at ng kanyang pamilya. Salat na nga sila sa ka­buhayan ay pagkapahiya at paninira pa ang natamasa nang ngayo’y labingwalong taon na gulang ng biktima.

Dahil sa kagustuhan nitong makatapos ng pag-aaral ay tinitiis na lamang ang kahihiyan dulot ng ginawa ng kanyang dating kasin­tahan.

Kaya naman, pag­tuntong ng BITAG sa Tanay, Rizal, diretso ang suspek na aming hinanap. Subalit mabilis na nakapuslit at naka­pagtago si kolokoy kaya’t ang humarap sa amin, ang principal ng nasabing eskuwelahan.

Nangako itong iha­harap sa BITAG ang inirereklamong guro upang maibigay ang kanyang panig.

Kaya sa pamunu- an ng Tanay National   High School, hindi pa tayo tapos, nakatakda pa ang pagbabalik ng BITAG diyan sa in- yong lugar!

Abangan! 

vuukle comment

ABANGAN

BITAG

HIGH SCHOOL

KANYANG

KAYA

RIZAL

SHY

TANAY

TANAY NATIONAL

TANAY NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with