^

PSN Opinyon

Rice price matatag - Sec. Yap

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI biro ang babala ng International Rice Research Institute na going up ang prices ng bigas sa Philippines my Philippines porke maganda daw ang ma­giging ani ng palay nito.

Naku ha, pangtakip issue. Hehehe!

Sabi ng malakanin este mali Malacañang pala ready ang government of the Republic of the Philippines may nakahandang programa ang pamahalaan regarding sa babala ng IRRI kaya naman sinisiguro ng NFA na makakabili pa ng lumang este murang bigas pala ang ma-e-erap.

Sana nga!

Tiniyak naman ni Department of Agriculture Secretary Arthur Yap na mananatiling abot-kaya ng mad­lang people sa Philippines my Philippines ang prices ng tsibog sa kabila ng world crisis na yumanig sa mga foreign government last 2008. 

May utos kasi si Prez Gloria Macapagal Arroyo kay Yap na magpatupad ng mga hakba na magsasa­katu­paran ng promise ng una.

Sabi nga, ‘Pagkain sa Bawat Mesa’!

Ika nga, si Yap, ay iron man este mali Action Man pala.

Hindi biro ang usapin sa tsibog mula ng pumasok ang World Trade Organization labanan ng mga ma­gagandang produkto sa bawat bansa at grabe ang competition sa pagdaigdigang pamantayan. Mabigat ang epekto nito para sa Philippines my Philippines.

Ang pagkakaroon ng mas mataas na ani, pagba­bawas ng mga tapon, mas malaking kita, mas magan­dang packaging, mas mababang presyo, logistics, warehousing at koneksyon sa mga pamilihan ay higit na nagkakaroon ng mahalagang papel sa kakayanan ng Philippines my Philippines na makipagkum­pi­tensiya.

Hindi nakuhang itaas ng ilang suwapang na rice dealers ang bigas dahil inutusan ni Yap ang NFA na mag-angkat sa ibang bansa at tinapunan nito ang merkado ng mga murang bigas na P18.25 kada kilo.

Naging mas mura pa sa Philippines my Philippines ang bigas kumpara sa presyo ng Thailand rice dahil umabot sa P56 at Vietnam rice ay P67. Lalo pang bumagsak ang presyo sa pagtatapos ng lean months at sa pagsisimula ng main harvest season.

Ayon sa pag-aaral ng Bureau of Agricultural Statistics­) ang average price sa mga pamilihan ng Mega Manila ay P30 kada kilo at may pinakamababa pa ngang P23 kada kilo sa ilang outlet noong Nob­yembre.

‘Magaling pala si Yap’ sabi ng kuwagong nagsa-sakla.

‘Mukhang may balak gawin si Secretary Yap sa 2009?’ anang kuwagong nagtatanim ng kamote.

 ‘Ano iyon ?’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

 ‘Mukhang gustong tumakbong SENADOR’

‘Kamote, tumpak ka!’

 Abangan.

Bishop Oscar Cruz and Gov. Espino, read this

NAGTULUNG-tulong ang mga bugok na opisyal ng gobierno dyan sa Pangasinan para buksan ulit ang jueteng operation ng tatlong itlog na sina Boy bata, a.k.a alimango, Boy malaway, burungoy kawatan dyan sa San Carlos at isang Ric Kamote ng Bugallon.

Kaya naman napalusutan nila si Bishop Cruz at Gov. Espino sa kanilang jueteng operations.

Hindi pala biro ang engreso sa Pangasinan P8 million pala ito everyday and holiday kaya mahirap itong patigilin dahil malaking pera ang mawawala sa mga jueteng operator at mga gagong opisyal na nakikinabang sa padulas ng mga kamoteng gambling lords.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

Abangan ang mga nakapatong bugok.

ABANGAN

ACTION MAN

BAWAT MESA

BISHOP CRUZ

BISHOP OSCAR CRUZ AND GOV

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

CHIEF KUWAGO

PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with