^

PSN Opinyon

Kahit may krisis may murang pagkain

- Al G. Pedroche -

DAPAT i-congrats ang Department of Agriculture. Kasi ang bigas sa Pilipinas ay naging mas mura pa kumpara sa presyo nito sa Thailand na ang kada kilo ay umabot sa P56 at Vietnam na ang presyo kada kilo ay P67. Lalo pang bumagsak ang presyo ng bigas sa pagtatapos ng lean months at sa pagsisimula ng main harvest season, ayon sa Bureau of Agricultural Statistics (BAS) na nag-ulat na ang average price sa mga pamilihan ng Mega Manila ay P30 kada kilo at may pinakamababa pa ngang P23 kada kilo sa ilang outlet noong Nobyembre.

Suwerte pa rin ang Pinas! Kahit may world financial crisis, nananatiling matatag at abot-kaya ang presyo ng pagkain. Matiwasay nating nalampasan ang nakaraang taon kahit sinasabing may krisis sa pagkain. Iyan ay dahil sa pagsisikap ng Department of Agriculture (DA) na pinamumunuan ni Secretary Arthur Yap, na tiyaking abot-kaya ng nakararaming mamamayan ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Sa kabila ng mga kontrobersyang bumabalot sa administrasyon ay may programa din namang puwedeng purihin. Ito ay ang tinatawag na “Pagkain sa Bawat Mesa.” Congrats kay Sec. Yap at may mabuting bunga ang pro­gra­mang ito. Ang ipinatupad ni Yap ay ang consensus-building approach. Tinipon niya ang lahat ng stake-    holders sa agrikultura at pangisdaan sa bansa sa pag­hahanap ng mga solusyon sa mga problemang naka­kaapekto sa supply ng pagkain.

Hindi madaling humawak ng agriculture portfolio lalo na sa panahong mayroon nang World Trade Organization (WTO) at matindi ang kumpetisyon ng bawat bansa sa pandaigdigang merkado. Kailangan sa ganyang labanan ang mas ma­taas na ani na de kali­dad, pagba­bawas ng mga tapon, mas malaking kita, mas magandang packaging, mas maba­bang presyo, logistics, warehousing at konek­syon sa mga pamilihan.

Ang consensus buil­ding strategy at hands-on approach ni Yap ay napatunayang epektibo sa pagtugon sa iba’t ibang problemang tu­mama sa pagsasaka at pangisdaan sa Pilipinas noong 2008—mula sa pandaigdigang krisis sa pagkain, pagtaas ng presyo ng langis, at mga banta sa sektor ng pag­hahayupan matapos madiskubre ang Ebola Reston virus noong na­karaang taon.

Maagap din na nag­pa­tupad ng isang reform agenda sa Department of Agriculture para sa 2009 para lalo pang magarantiyahan ang maayos na paglilipat   ng pondo sa iba’t ibang program partners nito sa lokal na lebel, par-   ti­kular na sa mga local go­v­ernment units (LGUs), non-government organizations (NGOs) at peo­ple’s   organization (POs).

Bago magtapos ang taong 2008, si Yap ay naharap na naman sa isa pang pagsubok: ang paglitaw ng Ebola Reston virus, na natuk­lasan mula sa ilang ba­boy sa Bulacan at Pa­ngasinan. Ipinag-utos niya ang pagka-quarantine sa mga babuyang pinanggalingan ng mga naturang virus; iniutos sa Bureau of Animal Industry (BAI) ang pag­mo­monitor ng transpor­tasyon ng mga baboy at karneng baboy sa pa­mamagitan ng paglikha ng mga “hog checkpoints;” at binigyan ng direktiba ang National Meat Inspection Service na inspeksyunin ang lahat ng katayan at pa­mi­lihan para mapi­gilan ang pagkalat ng konta­mi­nadong karne ng   ba­boy at higpitan ang pag-iisue ng health cer­tifications on animal shipments.

Sana’y manatili ang ganyang mga positi­-bong programa sa DA dahil ang pinakama­halaga ngayon ay may makain ang taumba- yan sa harap ng lumu­-lub­hang krisis pinan- syal sa mundo.

BAWAT MESA

BUREAU OF AGRICULTURAL STATISTICS

BUREAU OF ANIMAL INDUSTRY

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EBOLA RESTON

MEGA MANILA

NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with