Modus ng baba-kuryente, hulog sa BITAG at Mission X!
MARAMI nang naglalabasang produkto na nagpapakila- lang mga energy saving devices o yung mga gadget na nakakapagpababa daw ng konsumo sa kuryente.
Ang ilan, makikita sa mga advertisement o sa mga shopping program. Ipinangangalandakan ang kanilang produkto na totoo at epektibo.
May ilan naman na nagbabahay bahay at inirerepresenta ang kanilang mga sarili na accredited daw sila ng Meralco. May ilan beses na rin naming naipalabas sa Bitag ang modus na ito.
Subalit matatandaan na nagbigay ng pahayag ang appliance testing center ng Department of Energy na walang anumang energy saving device na matatawag.
Unang linggo ng Enero, taong 2009, isang biktima ng empleyado raw ng MERALCO ang lumapit sa Bitag. Ayon sa biktima, may hokus pokus daw itong ginawa sa metro ng kanyang kuryente at presto, napigilan ang pagtaas ng kanyang kuryente.
Sa umpisa, pumalag raw ang biktima dahil baka mahuli ito ng mga inspector ng MERALCO ang sagot daw ni kolokoy ay “wag raw mag-alala at hindi alam ng naturang kumpanya at mga inspector nito ang estilo ng kanyang pagpapababa”.
Dito na siya lumapit sa Mission X at Bitag. Lingid sa bagong kostumer ni kolokoy, ang metro ng kuryenteng kanyang susunod na mamagikin ay sa bahay ng aming undercover.
Kasama ang mga opisyales at Task Force ng Me ralco, naisagawa ang isang entrapment operation laban sa bogus na empleyado ng Meralco.
Dokumentado ng aming surveillance camera ang paghohokus pokus ng kolokoy sa metro ng kuryente ng aming undercover. Dito maging mga taga Meralco, namangha sa estilo’t pamamaraan ng kawatan!
Abangan ang bu-ong segment na ito sa sabado ng gabi sa Bitag!
Panoorin at magsilbi sana itong babala sa mga nais sumubok sa serbisyo ng mga bogus na empleyado ng Meralco.
- Latest
- Trending