^

PSN Opinyon

Saludo ako sa katatagan mo Maj. Ferdinand Marcelino

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAKATUTOK ang mga taynga at mata ng mamamayan sa imbestigasyon ng Kongreso sa suhulang nangyari sa loob ng Department of Justice (DOJ) para mailigwak ang kaso ng “Alabang Boys”. Nagmatigas naman ang PDEA na kanilang gagawin ang lahat ng paraan para manatili sa kulungan ang maiimpluwensyang drug traffickers.

Sa unang salbo ng imbestigasyon, lumalabas na may katotohanan ang napabalitang milyun-milyong atik na suhulan sa DOJ. Mismong mga witness ang nagpapatunay na meron ngang nangyaring “envelopmental arraignment” he-he-he!

Ayon sa aking mga nakausap, mukhang nag-iba na ang takbo ng hustisya sa kasalukuyan. Tanging ang mga maliliit na mamamayan umano ang nakapiit dahil wala silang kakayahang magbigay ng atik sa mga hukom. Samantalang ang mga mayayaman umano ay madaling magtapal ng atik sa mga hukom para makalusot sa pagkakasala, he-he-he! May tama ang aking mga suki!

Ang mayayamang angkan umano ay madaling maka­kuha ng mga de-kalimbang na abogado na may konek­ syon sa hukuman kaya napaka-easy na makalusot sa kaso. At dahil nga karamihan sa mga abogado at hukom sa ngayon ay magkaka-brod sa fraternity, madaling makuha ang impluwensya sa hukuman.

Mabuti na lamang at may law enforcers na kagaya ni Major Ferdinand Marcelino na buo ang paninindigan para ipamulat sa madlang people na hindi lahat ng alagad ng batas ay korap at madaling ma-impluwensyahan para pawalan ang may sala.

Saludo ako sa katatagan mo Major Marcelino. Itinaya mo ang iyong sarili para labanan ang hamon ng mga mayayamang angkan kahit makabangga mo pa ang iyong mga kaklase sa PMA batch 94. Sa iyong mga pahayag sa harap ng kongresista ay nakikita kong mahuhubaran ng maskara ang mga tinaguriang “hoodlums in robe” sa DOJ.

Makakaasa kang sa darating na mga araw ay dadami ang susuporta sa iyong pakikipaglaban. Hala, Major Marcelino, ipagpatuloy mo pa ang iyong pagsisiwalat upang makarating sa ating mamamayan ang paghokus-pokus ng mga hukuman.

Saludo rin ako sa katatagan ng panindigan ni General Dionisio Santiago, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ma­tapos ipahayag na hindi   niya pakakawalan sina Richard Brodett at ang mag­kapatid na Jorge Jordan at Joseph Tecson.

Tama si Santiago na kung hindi na epektibo ang kanyang ahensiya, dapat na itong buwagin at ha­yaang liparin ng hangin kasama ng usok ng droga, he-he-he! Ganyan ang mga opisyales na dapat sa pamahalaan — matatag at hindi nada­dala sa kinang   ng atik.

Abangan.

ALABANG BOYS

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GENERAL DIONISIO SANTIAGO

JORGE JORDAN

JOSEPH TECSON

MAJOR FERDINAND MARCELINO

MAJOR MARCELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with