Short cut to technicality
Bukambibig ngayon ng mga sumusubaybay sa ALABANG BOYS ang doktrinang“fruit of the poisonous tree”. Ang bunga na tinutukoy dito ay ang ebidensiyang nakalap sa paraang di-naaayon sa batas. Ang formula: Dahil labag sa Saligang Batas ang pamamaraan, hindi ito dapat pakinabangan. Sa kaso ng ALABANG BOYS, ang ginawang paglabag sa batas ay: inaresto raw ang mga akusado na walang arrest warrant; nag-search daw para sa ebidensiya na walang search warrant (puwersahang binuksan ang compartment ng kotse); hindi raw nakipag-coordinate ang PDEA sa pulis; umamin daw ang mga bata nang walang katabing abogado. Dahil lahat ng ginawang ito ng PDEA ay ilegal, disqualified din ang ebidensiyang kanilang nakuha.
Masakit para sa mga pulis kapag ganito ang dahilan ng pagbasura ng kaso. Lalo na kapag ang nakuhang ebidensiya – sa drug cases, ang mismong mga kontrabando – ay nagpapatunay na guilty nga ang mga akusado. Kaya ito tinawag na “legal technicality” dahil ang pagpapalaya ay walang kinalaman sa isyu na kung ang krimen ay naganap nga o hindi. Kahit nga malinaw ang pagka-guilty, laya pa rin dahil lang may butas sa proseso.
Anuman ang katotohanan sa kaso ng ALABANG BOYS, isang bagay ang hindi maikakaila. Ang ating pa mahalaan ay pinatatakbo ng batas. Kailanman ay mas mahalaga ang batas kaysa sa mga taong nagpapatupad dito.
Kaya’t pagnababasa natin na si Rep. Golez ay naba bahala na tila parating nadi-dismiss ang drug cases; tuwing magrereklamo si PDEA Director Santiago na parati na lang teknikalidad ang lusot – huwag sana nating kalimutan na nakaukit ang mga “teknikalidad” na ito sa ating Saligang Batas bilang proteksyon ng mamamayan sa abuso ng pulis at kagawad ng makapangyarihang pamahalaan. Ang mga karapatang pan tao – tulad nitong garantiya laban sa walang basehan at hindi makatwirang aresto at paghalughog – ay sadyang napakamahalaga upang kalimutan lamang sa init ng pagnanasang maka-iskor laban sa nagdodroga. Walang dahilan para hindi sun-dan ang mga prose song nakasaad sa Saligang Batas. Ang pinakamabilis na daan patungo sa technicality ay ang mag-short cut.
- Latest
- Trending