^

PSN Opinyon

Ang matandang aso at binatang leopard

SAPOL - Jarius Bondoc -

NALIBANG ang matandang aso sa kapapasyal, kaya’t hindi napansin na naligaw na pala siya sa kaloob-looban ng gubat. Hindi alam ang daan pabalik sa farm, nagpa­hinga muna siya. At namataan niya ang binatang leopard na papalapit at halatang balak siyang gawing tanghalian.

“Naku, ano ang gagawin ko?” tanong ng matandang aso sa sarili. Naghahanda na si leopard na lundagin ako, dapat malinlang ko siya.”

Napansin ng aso ang kumpol ng buto sa gilid ng puno. Dali-dali, nginata-ngata niya ang mga ito, sabay dumig­hay nang malakas, “Wow, ang sarap talaga nitong mer­yenda kong leopard. Saan kaya ako makakabitag ng isa pa?”

Nang marinig ito ng binatang leopard, napaatras siya. Kinilabutan at nagtago sa kahuyan. “Whew!” aniya sa sarili, “Muntik na ako du’n, buti na lang hindi ako nilapa ng matandang aso.”

Meron palang matsing na nanonood sa dalawa. Naisip ng matsing na magagamit ang impormasyon para bilihin ang proteksiyon ng binatang leopard, kaya sinundan niya ito sa kahuyan.        

Nang magkita sila, ibinulong ng matsing ang mga pang­yayari, sabay nakipagkasundo na hindi na siya gagalawin ng leopard kailan man.

Bumubula ang bibig ng binatang leopard sa galit na napaglalangan siya ng matandang aso. Aniya: “Halika, matsing, sumakay ka sa balikat ko at panoorin kung ano ang mangyayari sa uugud-ugod na askal na ‘yan.”

Namataan ng matandang aso na papalapit muli ang bi­na­tang leopard, at nakaupo pa ang matsing sa balikat. “Naku, ano na naman ang gagawin ko?” Isip siya nang malalim.

Imbis na tumakbo, umupo ang matandang aso, nakata­likod sa dala­wa. Kun­wari’y hindi niya na­pansin na papa­lapit sila. Nang mala­pit na sila, nagbuntong-hini­nga ang matandang aso: “Nasa­an kaya ang matsing na ‘yon? Isang oras na ang nakalipas mula nang di­nispatsa ko siya para iha­nap ako ng isa pang malalamon na leopard.”

Leksiyon: Mas la­mang ang karanasan kaysa karahasan.

ASO

LEOPARD

MATANDANG

NAKU

NANG

SHY

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with