^

PSN Opinyon

Pagbalik ng pera, pagbuhay ng kaso

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NAIBALIK na sa bansa ang Euros na bitbit ni Gen. Eliseo de la Paz na nahuli ng mga opisyal sa Russia sa kanyang pagdalo sa isang Interpol assembly. Ito’y dala-dala ng isang Rusong brod ni De la Paz sa samahan ng Freemasonry.

Pormal na ibinigay ni Alex Binetskiy, isang abogado na tumulong sa heneral, ang pera na nagkakahalaga ng 128,000 Euros. Ang 105,000 Euros ay sa PNP at ang sobrang 23,000 Euros ay personal na pera umano ni De la Paz. Kasama na kaya dito iyong 45,000 Euros na ipambibili umano ng mamahaling relo ni Tyrone Sy Are­jola? Nasaan na iyon? At ngayon ko lang yata narinig na may dalang personal na pera ang heneral. Kung itong 23,000 Euros na sobra ay kay Arejola, nasaan ang ba­lanse? Kung sa heneral naman, aba, ang laki naman! Halos isa’t kalahating milyong pisong baon sa isang opisyal na biyahe?

At dahil sa pagbalik na ng pera sa bansa, muling mapag-uusapan ang kontrobersiyang bumabalot sa     Euro Generals. Sa pagkakaalam ko, hindi pa tapos ang imbestigasyon. Maraming tanong ang hindi pa nasasa-got. At lalo pa siguro ngayon dahil hindi na nagtutugma ang ibinalik na pera.

Ano naman kaya ang naiisip ng kaibigan niyang si Arejola, ngayong ibinalik na ang pera? Makukuha na ba niya ang nararapat sa kanya, kung sa kanya nga talaga? At magkakalimutan na lang ba ang lahat, ngayong naibalik na ang pera?

Maganda naman at hindi na nagsampa ng kaso ang gobyernong Ruso sa heneral kahit pa lumabag nga ito sa batas hinggil sa pagdadala ng salapi na labis sa pinapayagan ng bawat bansa. Wala naman daw inten­siyong gumawa ng masama yung mga heneral. Napa­kalaking problema nga naman at kahiya-hiya para sa heneral at sa bansa natin kung ang isang pulis pa ang nahulihang lumalabag sa batas!

Pero ngayong nakauwi na lahat, pati na ang pera, hindi puwedeng palam­pa­sin na lamang ang nang­yaring pagla­bag sa mga patakaran at polisiya ng PNP, DILG at ng gobyerno. Retirado na ang naturang he­neral. Isa nga ito sa pag­la­bag din sa patakaran ng PNP ukol sa mga bumibi­yahe.

Pero ang paglabag ay nangyari habang ginaga­nap pa niya ang kanyang tungkulin. Puhunan ng gob­yerno ang pagpapadala sa kanya sa Russia sa Inter-pol assembly. Pero ano naman ang maiaalay niya sa gob­yerno sa kanyang pagpunta doon? Nagka-problema pa.

Kailangan may kata­pusan ang kabanatang ito, at baka wala na namang mangyari sa mga imbis­tigasyon at mawala na lang sa limot. Mabuti na nga at naibalik na ang pera, at mabuhay na naman ang kaso. Tapos na ang Pasko, ika nga, kaya balik sa tra­baho na naman. Balik na naman sa napaka­ra­ming imbestigasyon, na tila na­kapila sa Senado at sa Ma­babang Kapulungan. 

O sige na nga. Pero ha­bang nalilibang tayo sa mga imbestigasyon na tila walang mga tuldok ang bawat sentence na sini­simulan — atupagin natin ang mga tunay na problema ng lipunan tulad ng droga at pangungurakot at ano­malya sa hudikatura.

ALEX BINETSKIY

AREJOLA

EURO GENERALS

NAMAN

PAZ

PERA

PERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with