ISANG motion for inhibition ang inihain kamakailan laban sa hukom sa Quezon City Regional Trial Court dahil umano sa pagkiling sa isang partido kaugnay ng kasong agawan sa negosyo. Sisimulan na sa Enero 12 ang pagdinig at ang tanong: Mag-inhibit kaya ang hukom?
2006 nang itayo ng mag-asawang Rolan at Alejandra Bansil ang Pilipinas Pacific Rim Corp. (PPRC). Kasama ang isang kaibigan mula sa Guam, itinayo ang PPRC upang magsagawa ng test run ng Small Town Lottery (STL) sa Albay.
Inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang deed of authority noong Enero 2007 at naglagak ng P10 milyong cash bond para maumpisahan ang operasyon ng negosyo. Nagsisimula pa lang kaya wala pang kita sa operasyon. Dalawang minor partners ang humiling na sila ang magpatakbo ng negosyo. Tumutol ang mga Bansil. Pero bago pa maplantsa ang isyu ay biglang may nanalo ng P2 milyon jackpot na naging sakit ng ulo ng mag-asawa. Sa kalagayang ito ay ibinenta ng dalawang minor partners ang kanilang sosyo sa halagang P5 milyon. Walang malay ang mag-asawa sa pangyayari. Nagsakripisyo ang mag-asawa at dumukot sa kanilang bulsa ng P2 milyon para ibayad sa nanalo ng jackpot.
Hindi pa tapos ang problema. Nalaman na lang ng mag-asawa at ng kanilang partner na taga-Guam na ang nakabili sa sosyo ng mga minor partners ay muling ibinenta ang sosyo sa ibang grupo! Wala daw perang kapalit sa transaksyon kundi paglilipat lang ng ownership na kung tawagin ay “valuable consideration.” Heto ang pinakamabigat na pro blema. Oktubre 2007 nang tumanggap ang mga Bansil ng demand letter mula sa abogado ng mga nakabili. Hinihingi ang mga record at iba pang dokumento ng korporasyon. Tinakot daw sila na kundi tatalima ay ipaghahabla sila ng kasong kriminal. Kasunod niyan ay isang sulat mula sa PCSO. Sinasabing nagkaroon ng espesyal na stockholders meeting at naghalal ng mga bagong director pero hindi inimbitahan sa pulong ang mga Bansil.
Noong Nobyembre 2007, nagharap ng civil case ang mga bagong director sa Br. 93 ng QC-RTC laban sa mga Bansil at PCSO. Inaatasan ang PCSO na itigil ang pakikipagnegosas- yon sa mga Bansil. Dinismis ito ng Korte.
Muling nag-file ang grupo ng kaso sa Br. 92 na hawak ni Judge Samuel Gaerlan. Dawit pa rin sa demanda ang PCSO. Sa di malamang dahilan, ang kasong dinismis sa Br. 93 ay pana-lo sa Br. 92!!! Inorderan ang PCSO na itigil ang pakikipagnegosasyon sa mga Bansil. Hindi pinahalagahan ang mga katibayan at dokumento ng mga orihinal at tunay na may-ari. Sana naman ay ikonsidera ng Korte ang timbang ng motion form inhibition na inihain ng aggrieved party – ang mga Gaerlan.