^

PSN Opinyon

Mailap na kapayapaan

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BUKOD sa krisis pinansiyal na maraming nagsasabing sasalubong sa atin ngayong 2009, digmaan na rin yata ang magiging tema ng taong ito. Pinasok na ng Israel ang Gaza, para durugin ang mga ginagamit na “launching sites” ng Hamas. Ito ay mga kagamitan para mag­ paulan ng rockets patungong Israel. Ito ang naging mitsa sa pinakabagong digmaan sa rehiyon.

Ayon kay Israeli Defense Minister Ehud Barak, hindi ito magiging mabilis o madaliang labanan. Kaya ang salu­bong ng 2009 sa rehiyon ng Gitnang Silangan, dig­ maan!

Dito sa atin, mukhang isang labanan ang nakahanda nang pumutok, kung hindi magkakasundo ang magka­bilang panig sa usaping kapayapaan. Ito ang panig ng gobyerno at MILF. Nakita natin sa nakaraang taon na nauwi sa rin sa bakbakan ang magkabilang panig, nang hindi natuloy ang palpak na MOA-AD sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Naglunsad ang ilang kumander ng MILF ng karahasan laban sa ilang lugar na hindi nila teritoryo, para magtanim ng pagkatakot at pangamba sa rehiyon ng Mindanao. Maraming inosenteng sibilyan ang nasawi, na may mga babae at bata pa. Sa ngayon, may pansamantalang kata­himikan ang magkabilang panig gawa ng kapaskuhan. Pero kung walang mangyayari sa usaping kapayapaan, sisiklab na naman ang digmaan.

At ayon din sa mga nakaaalam sa Mindanao, hindi mangyayari ang pangmatagalang kapayapaan sa pagitan ng dalawa sa loob ng termino ni President Arroyo. Lumipas na raw ang pagkakataon. Wala na raw tiwala ang panig ng mga rebelde sa administrasyong ito. Isama pa riyan ang mga kumander na tila hindi na nakikinig sa mga pinuno nila na sina Bravo at Umbra Kato.

Ang problema natin sa Mindanao ay hindi gaanong naiiba sa problema sa Gaza. Masasabi lang siguro natin na mas radikal ang pamamaraan at nais mangyari ng Hamas, at ito ang tuluyang pagbagsak ng Israel na ayon sa mga Palestino, ay inagaw ang kanilang karapat-dapat na lupain. Pagnanais ng lupa, na haluan pa ng mag­kaaway na relihiyon, ayan ang timpla ng isang gulo ta-laga!

Hindi ba’t parang ganun din ang hangarin ng MILF, sariling lupain? Makita kaya natin sa buhay nating ito, ang kapayapaan sa rehiyon ng Gitnang Silangan at Mindanao? Baka hindi na. Ganun kailap ang kapa­ ya­paan, kapag mortal na magkalaban ang mga kasangkot.  

GAZA

GITNANG SILANGAN

HAMAS

ISRAELI DEFENSE MINISTER EHUD BARAK

MINDANAO

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with