^

PSN Opinyon

Bubusisiin na ng Kongreso si Fernando sa kanyang mga walang kuwentang proyekto

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

MUKHANG hindi nakatulog nang mahimbing si Paraña-que Rep. Roilo Golez, dala marahil ng mga nakatutulig na putukan at amoy ng palbura ng Bagong Taon. He-he-he! Kaya habang hinihilam ang mahapding mata ay napagtuunan nito ng pansin ang mga pink na larawang nakangisi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando.

Kasi nga mga suki, noon pang nakaraang taon ay naging paksa na ng pagtuligsa ni Golez ang naglalakihang poster ni Fernando na nakasabit sa halos lahat ng lansangan. Kaya malaki ang hinala ni Golez na ginagamit ni Fernando ang kanyang Metro Gwapo project para isulong ang sarili sa pagtakbo sa pagka-presidente sa 2010 elections, he-he-he!

Malaking halaga na rin umano ang nawawaldas ni Fernando sa kanyang mga proyekto subalit hindi naman nito napabuti ang takbo ng trapiko sa mga lansangan.    Kaya sa darating na pagbubukas ng Kamara tiyak na maisasalang na si Fernando at mabubusisi ang lahat ng kanyang ginastos sa walang kuwentang proyekto.

Paano nga naman nagkahitot-hitot na naman ang daloy ng trapiko sa lahat ng sulok ng Metro Manila dahil sa kakakulangan ng mga ttraffic enforcer ni Fernando. Simula pa lamang noong Linggo ay halos nagka-bara-bara na ang mga pangunahing lansangan nang mag­ balikan na ang mga bakasyonista. Siyempre bugso ang dating ng mga pasahero mula sa mga lalawigan kaya nagpiyesta ang mga taxi, FX, jeepney at buses sa pag-abang sa terminal.

At dahil nga sa kakulangan ng mga tauhan ni Fer-nando, naging masikip ang mga lansangan. Kaya ang napagtuunan tuloy ng galit ni Golez ay ang pagpa-pogi ni Fernando.

Dahil ayon kay Golez ginawa umanong “Badoy” ni Fernando ang kapaligiran ng Metro Manila matapos ku­layan ng pink ang lahat ng proyekto ng Metro Gwapo na labag sa International Law. Katulad na lamang ng urinal, steel finces, foot bridges at road sign sa mga pangu­ nahing lansangan.

Mapanganib din umano sa mga motorista ang mga   U-turn slots na inilagay ni Fernando sa mga pangunahing lansangan dahil kadalasan ito ang pinagmumulan ng aksidente. Kung sabagay tama ang napuna ni Golez dahil sa totoo lang mga suki, kadalasan nagaganap ang aksidente sa mga U-Turn slot tuwing sasapit ang dilim. Karamihan sa ating mga motorista sa ngayon ay mahi-hina na rin ang mga paningin kaya nabubulaga ang mga ito sa mga naturang likuan.

Lalo’t di n’yo kabisado ang mga U-Turn slots, tiyak na kapahamakan ang inyong kahahantungan dahil kara­mihan sa ngayon sa mga driver ay kulang din sa disi-plina. Di ba mga suki? He-he-he! Kaya mga suki aba-ngan natin ang umaatikabong sagupaan nina Golez at Fernando sa Kongreso.

BAGONG TAON

BAYANI FERNANDO

FERNANDO

GOLEZ

INTERNATIONAL LAW

KAYA

METRO GWAPO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with