SARI-SARI ang raket sa Bureau of Corrections sa National Bilibid Prisons, Muntinlupa. Dapat imbestigahan ng mga kongresista. Para sa kapakanan din nila ‘yon. Kasi balang araw du’n sila ikukulong sa dami ng kinurakot.
Unang raket sa preso ang pagkain. Simula Marso 2005 catered na ito, imbis na lutong bahay, ika nga. Nakinabang dito ang grupo ng mga Tsinoy na malalapit sa Malacañang. Araw-araw binabayaran sila ng P37.50 para sa bawat libu-libong kakain na preso. Pero ang ipinakakain nila ay ni hindi puwede sa hayop. Pinapakyaw lahat ng bulok na tuyo sa Balut, Tondo, at pinalulusot na sariwa. Ilan sa concessionaires ay walang bodega na malapit sa preso, isang paglabag sa kundisyones ng kontrata. Ang mga meron namang bodega ay ginagamit ang mga preso para sa libreng labor sa paghahanda ng almusal, tanghalian at hapunan.
Lahat ng suppliers at mayayamang preso ay nagbibigay ng kotong sa mga hepe. ‘Yun ang dahilan kung bakit miski walang kuwenta ang produkto o serbisyo ng supplier ay nananatili ito. ‘Yun din ang dahilan sa patuloy na paggawa ng krimen ng mga maimpluwensiyang preso, tulad ng illegal recruiter na nag-o-operate pa rin mula sa selda.
Grabe ang nakawan sa loob. Inuuwi na lang basta ng mga hepe ang mga kotse at iba pang mamahaling gamit ng Bureau of Corrections. Pinalalabas na kesyo nawala ito, tapos magre-requisition na lang ng pamalit—na muli namang nanakawin.
Ang pinaka-masahol na raket ay ang pagpapaka- wala ng preso nang isa o dalawang gabi para gumawa ng krimen para sa mga hepe. Kadalasan, ito ay ang pagpatay o pagkidnap para sa pera. Tapos, ibabalik muli sa selda ang preso, kaya hindi mahanap ng pulis ang suspek.
* * *
MALAMIG nga ang kli-ma ngayon sa Baguio, pero hindi na kaakit-akit pumasyal sa City of Pines. Ang sasalubong kasi sa turista ay hindi ang dating simoy ng pine trees o maririkit na bulaklak. Tatam-bad ang trapik, polusyon ng usok at basura, kakapu- san ng tubig, at maruming pagkain.