EDITORYAL - 'Alabang Boys' bribery case, imbestigahan na!
MALAKING dungis sa Department of Justice kung may katotohanan ang akusasyon na may mga opisyal ng nabanggit na departamento na sangkot sa suhulan para madismis ang kaso ng mga kabataang nahulihan ng illegal drugs. Hindi biro ang akusasyong ito kaya dapat mabilisin ang imbestigasyon para maging maliwanag ang isyu. Ang mabagal na imbestigasyon ay makasisira sa inaakusahang mga opisyales ng DOJ.
Ang suhulan umano ang dahilan kaya nirekomenda sa state prosecutors na idismiss ang kaso ng mga mayayamang kabataan na nahulihan ng illegal drugs sa Ayala-Alabang at Cubao, Quezon City noong September 20, 2008. Nakatakda na sa- nang simulan ng National Bureau of Investigations (NBI) ang bribery case pero hindi natuloy dahil sa mahabang bakasyon.
Ayon sa report, P50-milyon ang nakalatag na suhol para mapalaya ang tatlong kabataan na anak ng mga mayayamang pamilya. Bukod sa panunuhol sa mga opisyal ng DoJ, tinangka rin umanong suhulan ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pero hindi nagtagumpay. Sa kasalukuyan nasa custody ng PDEA ang tatlo at hinihintay pa ang pirma ni Justice secretary Raul Gonzales. Kapag napirmahan na ang release order, malamang na makalaya na nga ang “Alabang Boys” na kinabibilangan nina Richard Santos Brodett, Jorge Jordana Joseph at Joseph Ramirez Tecson. Nahuli umano sa tatlo ng PDEA agents ang 60 tablets ng Ecstasy, sachets ng cocaine at marijuana.
Itinanggi naman ng State Prosecutor at prose-cutors na iniimbestigahan sila dahil sa suhulan. Wala raw katotohanan ang akusasyon. Imbestigahan na agad ang kasong ito para malaman ang katotohanan. Ang taumbayan ay nagsasawa na sa mga pagtatakipan o whitewash. Sa pagkakataon na may mga sangkot na taong gobyerno, hindi dapat mabalewala ang kaso lalo pa’t may kinalaman sa drugs. Ang talamak na pagkalat ng illegal drugsay malaking problema ng bansa na dapat nang malutas. Sayang ang mga kabataan na masisira lamang ang kinabukasan.
- Latest
- Trending