^

PSN Opinyon

Bagong Taon. Bagong pag-asa. Bagong pagkilos

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

ANG 2009 ay dapat nating tingnan bilang pagsikat ng bagong pag-asa para sa bansa at sa bawat Pilipino.

Ito ang nagkakaisa naming pananaw at panalangin ni Presidente Erap at ng aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada.

Totoong maraming hindi magandang nangyari sa ating bansa at sa buhay ng nakararaming Pilipino noong 2008 at sa iba pang nagdaang taon. Lumala ang kagutuman, kahirapan, korapsiyon, inhustisya at pagsasamantala sa ating bansa.

Pero kapitbisig nating nilabanan ang mga negatibong bagay na ito sa ating lipunan. Nakaranas tayo ng ilang kabiguan sa ating mga pagkilos, pero dapat nating ituring ito na pagpapanday lalo ng ating hanay. Gawin nating tuntungan ang mga naging karanasan at natutunang leksyon sa nagdaang taon.

Yakapin natin ang 2009 na punumpuno ng pagkasabik at positibong pananaw sa mga mangyayari, at hindi naba­bahiran ng anumang pagkatakot o pag-aalala sa mga posibleng negatibong bagay na naman na darating.

Lalo nating kailangan ang ibayong pagsisikap sa harap ng sinasabing pananagasa ngayong taon ng “global financial crisis,” at ng mga panibagong pananamantala ng ilang opisyal ng ating pamahalaan.

Manalig tayo na hindi lang tayo basta makaka-survive sa mga bagong hamon at pagsubok na darating, bagkus ay magtatagumpay pa tayo sa ating mga pangarap.

Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Em­ ployment, ay patuloy sa pag­susulong ng mga lehislasyon at iba pang hakbangin para sa kapakanan ng taumbayan laluna ng mga manggaga­wa at maralita.

Pag-ibayuhin pa natin ang pagkakaisa at pagkilos upang matamo natin ang matagal na nating hi­na­hangad na maun­lad, mapayapa at makataong lipunan para sa ating lahat at para sa ating mga anak at susunod pang hene­rasyon.

Siyempre, ang lahat ng ito ay dapat na nakasandig sa ating taos-pusong pananam­palataya, pana­nalangin at pasasalamat sa ating Pangi­noon.

Mabuhay ang sam­ba­ya­nang Pilipino!

Maligaya at maunlad na Bagong Taon sa ating lahat!

vuukle comment

ATING

BAGONG TAON

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

LABOR AND EM

PILIPINO

PRESIDENTE ERAP

SENATE COMMITTEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with