Quality laws ang kailangan

MGA batas na de kalidad at makabuluhan sa taumbayan ang kailangan natin. Tulad ng sinabi ni Sen. Chiz Es­cu­­dero: Ekonomiya at ang epekto ng global economic slowdown ang dapat atupagin ng Kongreso. Importante aniya na makabuo ng mga batas sa paglikha ng mga bagong trabaho at pagtiyak na tama at abot kaya ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Walang katiyakan ang scenario para sa taong ito. Hindi malaman kung huhupa o maglulubha ang global econo­mic crisis kaya dapat maging handa lagi ang bansa sa pagharap sa problema. Dito’s malaki ang papel ng Kongreso.

Ang problema, napakarami nang nailatag na panu­kalang batas sa 14th Congress. Umaabot na raw sa 2,882. Kumusta naman kaya ang kalidad ng mga batas na ito? Baka naman karamihan ay para sa personal na interes ng mga mambabatas, hindi kaya?

Sabi nga ni Sen. Lacson, hindi na dapat masentro ang atensiyon ng Senado sa pagpasa ng mga bagong batas dahil sobra-sobra na ang mga ito. Hindi na inosente ang taumbayan sa kalakaran sa Kongreso (Senado at Ma-ba­bang Kapulungan). Hindi nawawala ang mga lobby groups na humihikayat sa mga mambabatas na mag­panukala ng batas para sa interes ng iilang sector. Gan-yan naman talaga ang sistema kahit sa mga mas mala­laking bansa gaya ng Amerika.

Ang mga lobby groups na ito ay nagpapakawala ng        pera para mapagtibay ang mga batas na ipinaglalaban nila.

In fairness, may mga lobby group na balido ang mga ipinaglalabang advocacies, gaya ng mga environmen-ta­lists na ang inaalintana ay ang kaligtasan ng ating ka­pali­giran. In any case, ko­rek si Lac­son. Aniya, nga­yong 2009, mas dapat pag-ukulan ng pansin ng mga mambabatas ang ka­ nilang oversight function para ma­siguradong lahat ng kani­lang naipasang batas ay mai­patutupad. Hindi lang pagpa­patupad ang kaila­ngan kundi pagtiyak na ang mga batas na ito ay may silbi at ka­­bu­luhan sa kapa­kanan ng ma­­­mama­yan. As Sen. Chiz said, ang pra­yo­ridad na dapat pag-ukul­ ang pansin ay ang mga batas para maibsan ang epekto ng global financial crisis.

 In this premise, lawmakers must take a second look at the bills so far passed and laws that have been enacted. Kung kina­ka­ilangan ang am­yenda, amyendahan at i-akma sa pa­ngangailangan ng pa­nahon.

Show comments