^

PSN Opinyon

Kabalintunaan sa nursing

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MALAKI pa rin ang kakulangan sa nurses ng mga ospital sa US. Huminto pansamantala ang pagkuha ng mga ospital sa mga dayuhang nurse. Marami ang nagsasabi na dahil lamang sa katatapos na election sa US kaya huminto na muna ito. Pero ngayon, maraming trabaho ang naghihintay pa rin para sa mga nurse, sa halip ng krisis na bumabalot na sa buong mundo. Ito’y ayon sa isang ahensiya na namumuno sa imigras­yon. May rekomendasyon na nga na pabilisin na ang pag-proseso ng mga dayuhang nurse para makatrabaho na sa US.

Magandang balita naman ito para sa dami-daming nurse na wala pang mapasukang trabaho. Kung mapapabilis ng US ang pag-proseso ng mga nurse, malaki na naman ang tulong nito para sa kanilang mga pamilya, pati na rin sa bansa. Sa kabila ng mga nawawalan na ng trabahong mga OFW, meron pa ring isang grupo na mapapagpatuloy ang tulong para sa bansa.

Sa pagsusuri rin sa US, ligtas pa rin daw ang mga trabahong may kaugnayan sa kalusugan kahit may krisis. Baka nga ito na muna ang magpapatakbo ng ekonomiya ng US dahil marami ang nabibigyan ng trabaho. At base na rin sa mga kalkulasyon nila, mga 2-3 percent ang pangangailangan ng US sa nurse kada taon. Kaya magandang balita ito sa mga nurse natin. Kaya lang, may problema.

Sa nakausap ko na ang negosyo’y ang pagpapadala ng mga nurse sa ibang bansa, may malaking backlog ngayon. Ibig sabihin, kailangan pa nilang maproseso ang mga unang nag-apply na sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali, nasa 2006 pa lang yata sila sa pag-proseso ng mga nurse. Ang dasal nila, na kapag nag-umpisa na ang administrasyon ni Barack Obama, mapapabilis na ang pagproseso ng mga dayuhang nurse. Nakatulong din ito sa pagpanalo kay Obama na kilalang mas maluwag sa imigrasyon ng dayuhan.

Sa kabila ng mga balitang nawawalan na ng trabaho ang ilang mga OFW, isang buntong-hininga naman ang balitang kailangan pa ng US ng mga nurse. Siguradong magpapatuloy ang pag-enroll nang marami sa nursing, pati na siguro mga nagtapos na ang ibang kurso. Kung maganda lang sana ang pasuweldo ng mga nurse dito sa Pinas, hindi na nila kailangang umalis pa. Dahil kung napupuno naman ng US ang kanilang pangangailangan ng nurse sa mga ospital nila, tayo naman dito ang nawawalan. At ramdam na rin ito ng mga ospital dito. Kabalintunaan nga naman na tayo pa ang nagkukulang sa nurse, habang marami ang naghihintay ng trabaho sa ibang bansa.

BARACK OBAMA

DAHIL

HUMINTO

IBIG

KABALINTUNAAN

KAYA

NURSE

RIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with