Misteryo ng math, misteryo ng Diyos

MAGMUNI-MUNI tayo sa misteryo ng mathematics at ng Diyos. Masdan:

1x8+1=9

12x8+2= 98

123x8+3= 987

1234x8+4= 9876

12345x8+5= 98765

123456x8+6= 987654

1234567x8+7= 9876543

12345678x8+8= 98765432

123456789x8+9 = 987654321

Heto pa:

1 x 9 + 2 = 11

12 x 9 + 3 = 111

123 x 9 + 4 = 1111

1234 x 9 + 5 = 11111

12345 x 9 + 6 = 111111

123456 x 9 + 7 = 1111111

1234567 x 9 + 8 = 11111111

12345678 x 9 + 9 = 111111111

123456789 x 9 + 10 = 1111111111

Bakit ba napaka-maayos ng mga numero at ng ka­lawakan? Sobrang mangha ni Albert Einstein kaya napabulalas: “Pinakikita ng Diyos ang sarili sa kaa­yusan ng lahat ng likha.” Katunayan na may Diyos, anang physicist, ang Matalinong Pagkaka-ayos ng kapaligiran.

Tinuya ni Einstein ang turo na “walang inaatupag ang Diyos kundi magparusa o magpabuya sa tao.” Napalaban siya sa malalaking relihiyon. Pero, lahat ng relihiyon ay nagtuturo na pagmahal ang pakay sa pag­likha sa tao. Kung gan’un, tama si Einstein sa sinabing, “Kung mabait lang tayo dahil takot sa parusa o nais ng pabuya, napaka-walang-kuwenta natin.”

Show comments