^

PSN Opinyon

Pasko: Isang pagninilay

BAGONG SIBOL - Roldan P. Pineda -

PASKO, Pasko, Pasko na namang muli…

Sa labingwalong taon ko nang inilalagi sa mun­do ay ganito palagi ang konotasyon sa Pasko — masaya, makulay, at masagana. Masaya sa mga kumakanta ng mga himno’t awiting pam­pasko. Makulay sa mga bahay na may nakasabit na mga parol at Christmas lights. Masagana sa mga nakatatanggap ng bonus at regalo at sa mga may handa sa hapag-kainan.

Pero para sa kanila lang ba ang okasyong ito?

Paano na ang mga maysakit—mga bulag, pipi, at bingi, at mga iginupo ng karamdaman — ma­saya ba ang Pasko nila? Kumakanta rin ba sila ng mga himno’t awiting pampasko tulad ng karamihan sa atin?

Paano na ang mga taong walang tahanan — mga taong-grasa at mga ulila — makulay ba ang Pasko nila? Wala nga silang sasabitan ng parol at Christmas lights — ultimo kulay ng kanilang mga damit ay libagin.

Paano na ang mga mahihirap — yaong walang trabaho at walang pagkain — masagana ba ang Pasko nila? Hindi na nga sila makatikim man lang ng masarap na pagkain, pulos utang pa ang kina­sasadlakan nila!

Kawawa pala ang kalagayan ng ating bansa kung gayon!

Hindi ko sinasabing magbigayan tayo kapag Pasko. Aaminin ko, ni hindi nga ako nag-aabot ng barya sa mga batang lansangan kapag humihingi sila — sapagkat kapos din ako.

Eh, ano ang dapat nating gawin?

Ibinigay ni Jesus ang Kanyang buhay upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan. Ginawa Niya ito upang baguhin ang ating mga sarili — mula sa pagiging makasalanan ay nilinis Niya tayo. Marahil, iyon ang susi — ang panati­lihin ang kalinisang iyon at tuluyang magbago. Masyadong ideyalistiko, subalit iyon ang paraang nakikita ko. Simulan sa sarili at maging mabuting halimbawa sa iba…Doon mag-uugat ang tunay na diwa ng Paskong ating inaasam-asam.

At ang pagbabagong iyon ay magandang simulain para sa darating na Bagong Taon.

* * *

(Si Roldan ay kumukuha ng Bachelor of Arts in Political Science sa University of the Philippines—Diliman.)

BACHELOR OF ARTS

BAGONG TAON

GINAWA NIYA

MDASH

PAANO

PASKO

POLITICAL SCIENCE

SI ROLDAN

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with