NPC prexy pumuntos

CONGRATS sa batambatang National Press Club President Benny Antiporda. Sa intercession na ginawa ng   NPC, napalaya na ang brodkaster sa Davao City na naku­long nang sampahan ng kasong libelo ni Congressman (now House Speaker) Prospero Nograles ilang taon na ang nakararaan.

Ang tinutukoy natin ay si Alex Adonis, ang brodkaster na nagpakalat ng isyung “burlesk king” na nagdadawit kay Nograles sa isang eskandalo sa babae. Dating komentarista ng Bombo Radyo si Adonis. Of course, may karapatan si Nograles na magdemanda bilang pagta­tanggol sa kanyang karangalan.

Ngunit mayroon nang patakaran ngayon ang Korte Suprema sa pangunguna ni Chief Justice Reynato Puno na hindi na dapat ikalaboso ang isang media practitioners na dawit sa kasong libelo bilang pagkilala sa kala­yaan ng pamamahayag. At iyan mismo ang ipinaglaban ng NPC para sa agarang pagpapalaya kay Adonis. Si NPC Prexy Antiporda mismo ang nagbitbit ng release order sa Davao para lumaya si Adonis at makapiling ang kanyang pamilya.

Magandang pamasko ito kay Adonis at sa kanyang buong pamilya.Wika nga, kaunti man ang biyayang pagsasaluhan, ang pinaka-importanteng bagay ay ang pagsasama-sama ng mga magpapamilya sa ganitong importanteng okasyon.

Pero may isa pang problema ngayon si Adonis. Jobless siya at ang isang Christmas wish niya ay nakabalik sa puwesto niya bilang brodkaster. Sana naman ay pag­bigyan siya ng Bombo Radyo. Afterall, talaga namang hard-hitting ang mga mamamahayag ng naturang himpilan. Walang kina­tatakutan sa pagbati­kos sa gawaing mali. At sa gan­ yang mga pagla­lantad hindi nawa­wala ang risk na masam­pa­han ng ka­ song libelo. Kung minsan nga ay tino­todas pa.

Kung minsan, may mga pang-aabuso rin ang media practitioners sa kanilang mga reportage. Pero may kasa­bi­han na mas mabuti na ang “abu­sadong media” kay­sa media na sinisikil   ang ka­layaang magha­yag.

Maligayang Pasko po sa lahat!

Show comments