^

PSN Opinyon

Reporma sa lupa

K KA LANG? - Korina Sanchez -

MATAGAL nang ipinaglalaban ng mga magsasaka ang lupa na kanilang sinasaka. Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang mga balita kung saan laging pinaglalaban ng mga magsasaka ang lupa nila. Karamihan ng mga lupa at haciendang natata­niman ay pag-aari ng mga malalaking pamilya. At nang magsimula ang programang reporma sa lupa, mas tumindi ang away at bangayan ukol sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga magsasaka na ariin na ang lupang pinaghihirapan nila.

Marami nang demonstrasyong nakibaka ang mga magsasaka. May mga mapayapa, may mga marahas. Ang mga kilalang sagupaan ay ang mga protestang nagaganap sa Mendiola. Dito, may mga namatay. Ganun katindi ang pagnanais ng mga magsasakang mapunta na sa kanila ang mga lupa, at ganun din naman ang lakas ng pagtutol ng mga may-ari nito, lalo na mga hacienda na matagal nang pag-aari ng mga sinaunang pamilya sa Pilipinas.

Sa totoo nga, ang isang malaking sanhi ng ka­guluhan sa bansa ay bunga ng hindi pagpapatupad ng reporma sa lupa. At hanggang ngayon, ito pa rin ang daing ng mga magsasaka. Katulad ng ipinasang resolusyon na pinahahaba pa ng anim na buwan ang isang kumpuni ng CARP.

Ayon sa mga magsasaka at iba pang grupo, walang saysay ito dahil binibigyan lang ng karag­dagang panahon ang mga may-ari ng malalaking lupa na masama sa exemption. At pagdating ng anim na buwan, ganun at ganun din lang ang gagawin ng mga mambabatas. At bakit hindi? Karamihan ng mga nasa Kongreso ay may mga malalaking lupain, kasama na rito ang pamilya ni President Arroyo.

At hindi masisikmura ng mga mayayamang pamilya sa lalawigan na ipamigay na lang ang kanilang mga mahahalagang lupain. Kaya lahat ay gagawin para lang hindi mapatupad o maisali ang kanilang lupain sa reporma sa lupa. Ito ang halos isang siglo nang labanan.

Hindi puwedeng ibalewala ang problema ng reporma sa lupa. Hangga’t walang pangmata-      ga­lang solusyon, o tunay na pagpapatupad ng repor­ma sa lupa, walang maaasahang katahimi-kan mula sa mga magsasaka. Dapat lang tayong tumingin at matuto sa kasaysayan ng mundo. Ilang rebolusyon na ang naganap nang dahil sa inhus-tis­ya sa mga magsasaka. Sa Russia, sa France, sa China.

Kapag napatupad na ang reporma sa lupa, tiyak na magkakaroon na ng katahimikan sa lala­ wigan, pati na rin sa buong bansa. Titigil ang mga martsa, mga protesta, mga sagupaan at bangayan.

AYON

BATA

KARAMIHAN

LANG

LUPA

MAGSASAKA

PRESIDENT ARROYO

SA RUSSIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with