Ang pagsalakay nina Supt. Sapitula sa ilegal na Philippine Blood Bank
(Unang Bahagi)
ANG matagal nang illegal na operasyon ng isang fly-by-night na Philippine Blood Bank sa Felix Huertas kanto ng Tayuman Sts., Sta Cruz, Manila ay matagumpay na sinalakay ng mga tauhan ni Station 3 commander Supt. Romulo Sapitula matapos ang halos isang linggong pagmamanman. Congratulations, mga Sir.
Kung naging pabaya pala si Sapitula katu lad ng pagtalikod sa tungkulin ng taga- Department of Health (DOH), tiyak na maraming pasyente na naman ang masasalinan ng dugo at malalagay ang mga ito sa panganib. Di ba mga suki?
Paano nga naman magiging ligtas ang mga nangangailangan ng dugo kung ang mga donor ay pawang may mga tattoo sa katawan, adik, lasing at mahihina ang pangangatawan. Sus Mariang mahabagin! Sa halip na madugtu ngan ang buhay eh lalo lamang mapapalapit sa karit ni kamatayan. Get n’yo mga suki?
Nag-ugat ang pananalakay nina Sapitula sa Philippine Blood Bank matapos maghinala ang ilang residente sa naturang lugar na tuwing alas 3:00 ng madaling araw ay sunod-sunod na puma pasok ang mga gusgusin at lasing sa naturang klinika at lumalabas naman pagsapit ng alas 5:00 ng umaga. Mautak ang may-ari ng naturang klinika dahil sa araw ay saradong-sara do kaya nahirapan ang kapulisan na mahuli ito.
At dahil sa reklamo ng mga residente ay kaagad na gumawa ng surveillance ang mga tauhan ni Sapitula sa pangunguna ni Insp. John Guiagui upang malaman kung ano ang naka tagong lihim sa naturang klinika. Sa unang araw ng pagtitiktik nina Guiagui ay halos wala silang maabutan taong pumapasok sa naturang klinika na laging nakakandado ang mga bakal na pintuan. Subalit ang pagka-wais ng maintainer na si Erwin Rommel Masangcay ay nakatakda ng tuldukan ng kapulisan.
(Abangan sa Huwebes ang karugtong)
- Latest
- Trending