^

PSN Opinyon

Parang mga rapist

- Roy Señeres -

AYON kay Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Ro­sales, ang pagpayag daw natin na ipagtiwala sa Con-Ass ang pagbago ng Saligang Batas ay parang katulad na rin sa aksyon na pinagkakatiwala natin ang ating anak na dalaga sa isang rapist.

Halos humingi pa ng katawaran ang ating mahal na Cardinal sa kanyang matalas na pagsasalita, ngunit sa totoo lang, tama siya at talagang natumbok niya ang damdamin ng taumbayan sa kanyang sinabi.

Ang sinabi ni Cardinal Rosales ay halos katulad din ng sinabi ng yumaong columnista na si Louie Beltran noon, na ang pagtitiwala sa mga masasamang tao ay katumbas ng paglalagay kay Dracula na maging tagapangasiwa sa Blood Bank (just like putting Dracula in charge of the Blood Bank).

Ito na yata ang mga signos ng ating panahon. Noong isang linggo, si Senator Mar Roxas, isang tao na kilalang maingat sa kanyang pananalita ay narinig natin na nag­mura sa kanyang pagsalita sa rally.

Siyempre, nag-react ang Palasyo sa sinabi ni Sen. Roxas, ngunit sa totoo lang hindi naman niya minura si Mrs. Gloria Arroyo. Ang minura niya ay ang kinilala niyang “Forever Gloria Constitution”. Ganoon din si Cardinal Arroyo, ang tinawag niyang rapist ay hindi si Mrs. Arro­yo, kundi ang mga mambabatas na tumutulak sa Con-Ass.

Dalawang marangal na tao, magkaiba ang sinabi sa dalawang magkahiwalay na okasyon. Kaya lang, may kaugnayan ang kanilang mga sinabi, dahil ang tinutukoy ni Sen. Roxas na “Forever Gloria Constitution” ay patutu­nguhan din ng Con-Ass na tinutulak ng mga rapist ayon kay Cardinal Rosales.

Habang naging matalas na ang salita ni Cardinal Ro­sales, tila maingat pa rin ang mga salita ni Bro. Mike Velarde tungkol sa Cha-cha, kaya nahahalata naman na naninimbang lang siya ma­rahil dahil napipilitan lang siyang sumabay sa kum- pas ng panahon.

vuukle comment

BLOOD BANK

CARDINAL RO

CARDINAL ROSALES

CON-ASS

DRACULA

FOREVER GLORIA CONSTITUTION

LOUIE BELTRAN

MANILA ARCHBISHOP GAUDENCIO CARDINAL RO

MIKE VELARDE

MRS. ARRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with