^

PSN Opinyon

Mistah, kamote ka!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MATINDI pa rin ang laglagan ngayon sa Philippine National Police dahil hindi matanggap ng isang kamote na hindi niya nakuha ang kanyang pangarap na matagal na niyang minimithi ang maging bossing ng mga kapulisan sa Philippines my Philippines.

Ganito ang kuento ng dalawang magkababata sa isang province sa Republic of the Philippines sabay silang lumaki at nag-study sa elementary at ng lumaon ay naging mag-MISTAH matapos silang maga­­pos este mali magtapos pala sa Philippine Military Academy may ilang dekada na ang nakakaraan.

Sabi nga, mga gurang na sila.

Tawagin na lamang natin ang dalawang Boy kitot at Boy ungas. Si Boy kitot ay lumabas na mas ma­galing, mas gwapo at matalino sa mga pagsusulit habang sila ay nag-aaral ni ungas sa kanilang school laging no.1 si kitot at lagi namang nakabuntot na pangalawa si Boy ungas.

Bago gumadreyt ng high school at sa kalkula ni Boy ungas ay hindi siya uubra o magiging valedictorian dahil mas magaling sa kanya si Boy kitot lumipat sya ng skul bukol kaya naman pareho silang tinanghal na 1st honor sa kani-kanilang school.

Ang dalawang magkasangga noon una ay parehong pinalad na makapasok sa PMA naging mag-MISTAH sila pero palagi ding nauuna si Boy kitot at napagiiwanan itong si Boy ungas.

Eto na ngayon ang history repeats itself. para ma­lamangan ni Boy ungas si Boy kitot, itsinutsu nya sa honor committee na underage ang huli.

Sa madaling salita, na turn back si Boy kitot at unang gumadreyt si Boy ungas sa kanya. Hehehe! Ang buhay nga naman.

Ang dalawang magkasangga noon una ay nag-kanya-kanya sila ng career path sa serbisyo. Naging abogado at PHD itong si kitot samantala si ungas naman ay nagkaroon ng sangdamakmak na sabit ang inabot at nagpakalulong sa mga pitsa-pitsang assignment.

Sabi nga ng isang senior retired Cavalier, “hindi mo kayang baguhin sa academy ng apat na taon ang ugali at values ng isang tao. Kung ano ang ugali nyan at pinag­kalakihan, dala pa rin niya ito hanggang sa pagtanda.”

Ayon pa nga sa isang mistah ng dalawa habang nag­ku­kuento ito sa mga kuwago ng ORA MISMO, : talagang pala away yang si Boy ungas at ayaw patalo. Sukdulang manira ng kaklase nya at kapwa people.

Mataas na ang ranggo ng dalawang tekamots marami ng tumitingala sa kanila kaya naman panay saludo na lamang ang inaabot nila sa mga katulisan este mali kapulisan pala kapag nakikita sila sa loob ng kampo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang maganda, parehong sila ngayong nag­ga­gapangan para makauna sa ranking ng katu­lisan este mali kapulisan pala.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, llamado si Boy kitot dahil si Boy ungas ay may kaso sa Office of the Ombudsman.

Nilalakad daw ng kanyang padrino sa Office of the Ombudsman ang kanyang case para makakuha ng clearance from here at maungusan si Boy kitot.

Mukhang malabo si ungas dahil matindi ang kaso nito sa Philippines my Philippines mga taga-media daw ang binangga nito kaya ayos hindi siya nilulubayan ng mga kabaro natin?

Totoo kaya ito?

Abangan mga MISTAH, ang kuentong ito matagal pang magra-ratratan ang dalawa mukhang aabutin sila up to 2010.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, itong si boy ungas ang walang tigil na gumagawa ng paraan para sirain ang kredibilidad, pagkatao at dignidad ni PNP Chief Jesus Ame Verzosa.

Buti na lamang at suportado at malaki ang tiwala ni Prez Gloria Macapagal Arroyo at SILG Ronnie Puno kay Jess.

Abangan.

ABANGAN

AYON

BOY

CHIEF JESUS AME VERZOSA

KITOT

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SABI

SHY

UNGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with